CHAPTER 26

18 11 0
                                    


Chapter 26

Nagising ako na may naka handa ng pag kain at dahil na din sa kulitan ng mag ama.

"Mommy let's eat" pag aya sakin ng anak ko kaya tumango lang ako bago pumasok ng cr at mag hilamos.

Nag umagahan kaming tatlo ng sabay sabay. tahimik lang akong nakikisalo sa kanila. hindi naman maka tingin ng deretso sakin si primo kung susulyapan man ako nito ay agad ding nag iiwas ng tingin kung mahuli ko ito.

Nang matapos kaming mag umagahan ay saktong dumating din sila mama kasama nito si papa pati na din si tita.

"Primo ikaw na ba yan hijo?" gulat na tanong ni tita dito. agad naman itong tumayo at nag mano sa tatlong matatanda.

Nakita ko ang mga mata nilang nag tatanong sakin kaya napa buntonghininga na lang ako. Hindi ko din kasi sinabi sa kanila na si primo ang ama ni allison. kahit kay tita ay wala akong sinabi.

"Sya ang ama ni allison" maiksing sabi ko.

"Papa lolo" masiglang singit ni allison kaya nilapitan ito ni papa at humalik sa kanyang pisngi.

Nginitian ko naman ang dalawang babae na kanina pang naka tulala kay primo at si primo namn ay halata mo ang pag kailang.

Nag kwentuhan sila hanggang sa dito na din sila mananghalian. nang hapon naman ay umuwi sila papa. may bahay din kasi dito si papa.

Muling natahimik ang buong silid at tanging ako at ang anak ko lang na namamahinga ang nandito sa loob ng kwarto dahil hinatid ni primo ang mga magulang ko.

Pag balik naman nito ay may dala dala na itong isang bouquet of flowers kaya napataas ang kilay ko.

"K–kayla flowers" abot nito sakin. hindi nako sumagot at tinanggap na lang iyon.

"Akala ko ba ay may business trip ka to canada? bakit hindi ka pumunta doon?" tanong ko dito.

"Sa tingin mo ba ay makaka punta pa ako doon kung alam kong nandito ang anak ko at nasa hospital pa?" balik tanong nito kaya nag kibit balikat na lang ako.

"Ah sya nga pala pwede nating ayusin yung schedule natin kay allison" bigla ay sabi ko kaya kunot noo itong tumitig sakin.

"Para saan ang schedule na yon?" tanong nito.

"Para makasama mo din ang anak mo" maiksing sagot ko dito.

"No hindi natin kailangan ng schedule. Doon na kayo tumira sa bahay" tutol nito kaya agad na sumalubong ang kilay ko.

"Are you insane? bakit mo kami papatirahin sa bahay mo?" salubong ang kilay na tanong ko.

"Dahil pamilya tayo. ayoko ng pag papasa pasahan natin ang bata. hindi lauran ang anak ko." sagot nito kaya napa irap na lang ako sa kaartehan ni primo.

"Gusto kong bumawi. babawi ako sayo sa anak ko sa mga pag kukulang ko sa inyo" sabi pa nito.


Lumipas ang ilang araw at tinotoo nya nga ang sinabi nyang babawi sya. hindi sya umaalis sa tabi ng anak namin kung hindi namn talaga kailangan. Mahigit isang linggo na din syang hindi pumapasok sa kanilang kumpanya para lang maalagaan at mabantayan ang anak namin.

"Let's go" aya nito matapos maisakay sa kotse ang anak namin. pimag buksan pako nito ng pinto sa front seat pero hindi ako don sumakay at tinabihan ang anak namin sa back seat.

Bagsak ang balikat nitong sumakay sa driver seat at tahimik na nag maneho.

Nakalipat na din ang mga gamit namin sa bahay nya daw. hindi na din ako umangal dahil kaka opera lang ni allison at alam kong mahihirapan lang ito sa ganoong sitwasyon.

Don't Fall In love [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon