Chapter 20
Ilang buwan ang nakalipas ng huli akong maka punta ng bar simula ng gabing iyon ay umiwas muna ako sa pag ba bar dahil baka nga si primo ang nakita ko noon.
Undas break ngayon kaya hayahay ang buhay ko solo ko ang condo namin dahil wala ang mga kaibigan ko.
Dahil boring ay napag pasyahan kong mag bar na lang mamaya tutal ay birthday din naman ni lalayna na kaibigan ko din.
ang theme talaga ng birthday party nya ay masyadong makalat dahil gusto talaga nito ang bar at sabi pa ay lahat daw ay mag lalasing wala daw matitira na hindi banggag kaya natawa na lang ako.
ngayong umaga ay nanood lang ako ng Netflix dahil tinatamad akong lumabas ng condo. nag order na lang din ako ng umagahan dahil tinatamad din akong magluto.
Kanina ay kakatapos ko lang mag balot ng ireregalo ko kay lalayna kaya wala na akong ginagawa. noong naka raang araw pa wala ang mga kaibigan ko kaya lonely ako dine dahil lahat sila ay nag out of town.
Kung saang saang bansa sila naroon kasama ang mga magulang nila. naisip ko na sa susunod na araw ko na lang dalawin si tita at mama.
Gusto ko din talagang dalawin si mama dahil nalaman kong isang buwang buntis na naman daw ito sabi sa akin ni tita.
Nang tanghali naman ay naki pag video call ako sa mga kaibigan.
nag kwentuhan lang kami at tumagal din iyon ng ilang oras bago sila isa isang nag paalam sa akin.
napa simangot na lang ako habang naka pangalumbaba sa lamesa naisipan ko na lang na mag browse sa instagram ko at kamalas malasan pa ay unang nabungaran ko ay ang mukha ng impaktang si ashley at ng mga kaibigan nito.
Napa roll eyes na lang ako. Ilang beses ko ng gusto i unfollow ito pero lagi ko na lang nakaka limutan kaya ngayon ay ni unfollow ko na sya.
Wala na rin akong balita sa kanila ni primo kung sila paba or nag kabalikan ba sila dahil wala na akong pake sa kanila. ilang taon na din naman ang lumipas pero hindi ko pa din maiwasang maging bitter sa kanila.
Nang hapon ay wala din akong ginawa kundi ang matulog lang ng matulog at pag sapit ng alas sais ay naligo na ako para maka pag handa na para mamaya.
Pag labas ko ng banyo ay agad kong binuksan ang closet ko at namili ng susuotin para sa party.
Napili ko na lang ang manipis na fitted dress ko na kulay pink at iyon na ang isinoot saka ako nag make up.
Nag ayos pa ako bago ako tumitig sa salamin at ng makontento na sa hitsura ko ay agad ko na ding kinuha ang shoulder bag kung saan nakalagay ang ilang make up ko at phone and also my pocket money.
Pag labas ko ng condo ay inilock ko muna iyon bago ako bumaba at sumakay sa taxi at nag pahatid sa bar kung saan gaganapin ang party ni lalayna.
Pag kababa ko ng taxi ay agad akong napangisi dahil sa isang sikat na bar talaga ito idadaos sabagay ay mayaman naman si lalayna kaya hindi na ito kabawasan sa yaman nya.
Nang papasok na ako sa entrance ay agad kong inabot sa guard ang invitation ko at tinatakan nito ang braso ko bago ako tuluyang maka pasok.
Agad na sumalubong sakin ang halo halong amoy ng alak at usok ang ilaw ay dim light. Agad naman akong sinalubong ni lalayna at naki pag beso beso sa akin.
BINABASA MO ANG
Don't Fall In love [COMPLETED]
RomancePast: paanong ang masayang samahan ay nauwi sa hiwalayan? Mahal nila ang isa't isa pero kahit gaano pa nila kamahal ang isa't isa kung naka plano silang paghiwalayin ng tadhana wala silang magagawa. kahit gaano ka tibay ang samahan kung si tadhana...