Chapter 29
Ilang linggo ang mabilis na lumipas at masasabi ko lang na masaya at kumpleto na ulit ako/kami.
Laging nanjan si primo para patawanin at alagaan kami ng anak namin. hindi sya umalis sa tabi namin lalo kung kailangan namin sya. nung nakaraan lang din sya nag balik sa trabaho nya habang ako naman ay next week pa para naman mabantayan ko pa si allison.
Nag kita kita na din kami nila clea at naikwento ko na sa kanila ang lahat.
simula sa muli kaming mag kita ni primo hanggang sa ngayon. napaka daming sabunot ang natanggap ko kina channa at clea habang si Leigh naman ay irap ng irap sakin.Naka ilang sabi pa sila na sobrang rupok ko daw at hindi man lang daw ako nag pakipot ng kaunti man lang yung bang dalagang pilipina? hello im mikayla ipinanganak ng marupok to. at saka anong magagawa ko mahal ko si primo? hulog na hulog ako at hindi ko na alam kung paano pang tatakasan ito.
Ilang taon din ang nasayang samin kaya sino ba naman ako para mag pakipot pa? ako lang to si mika na marupok pero hindi pokpok. hahaha by the way im here at the house oh diba bongga umi English na ang bida nyong marupok.
nandito ako ngayon sa bahay at nag luluto na ng dinner namin si allison naman ay nasa garden at nag babasa.
Nag start na din syang mag aral dahil na i enroll na namin sya ni primo sa isang private school.
Kasalukuyan kong tinitikman ang luto ko ng makarinig ako ng sigaw mula sa garden kaya nag madali akong patayin ang stove at puntahan si allison.
"Mommy help!" rinig kong sigaw nito at halos madapa na ako sa pag mamadali dahil sa sobrang kaba ko.
Pag dating ko ay wala na doon si allison kaya halos maiyak na ako natanaw ko na lang na buhat buhat ito ng lalaking naka itim at hindi na halos makita ang mukha.
agad akong pumasok sa loob at kinuha ang susi ng kotse ko para habulin iyon.
Pag sakay ko sa kotse ay agad kong inistart ito at sa pag mamadali ay na iwan ko ng bukas ang bahay.
wala na akong pake kung manakawan kami ang mahalaga ngayon ay mahabol ko ang kumuha sa anak ko.
Naka focus ako sa daan at tanaw tanaw ang van kung saan ngayon naka sakay ang anak ko.
kanina pang nangangatal ang kamay ko kaya kinuha ko na ang phone ko para tawagan si primo at sabihin ang ng yari pero ang cellphone nito ay cannot be reach kaya halos i umpog ko na ang ulo ko sa manibela.
"Tangina primo bakit ngayon pa?!" gigil na bulong ko at mas pinabilisan ang pag mamaneho.
uso pa naman ngayon ang dukutan ng bata na pinapasok mismo sa loob ng bahay halos sabunutan ko na ang sarili ko ng hindi man lang naisip iyon.
paulit ulit ko lang na tinatawagan ang cellphone ni primo pero hindi ito sumasagot kaya nag umpisa na din akong tawagan ang mga kaibigan ko pero ni isa sa kanila ay wala man lang sumagot.
"What the fvck? nag cellphone pa kayo mga animal hindi man lang marunong sumagot ng mga tawag!" inis na sigaw ko habang naka tutok ang mata sa daan.
sinunod kong tawagan ang mga magulang ko pero pati sila ay hindi ma contact.
"Pati ba naman kayo mama papa?!" reklamo ko at doon nako nag umpisang umiyak pero nang nanlabo na ang mata ko ay agad ko itong pinunasan dahil hindi ko makita ang daan.
nag try din akong tawagan ang mga magulang at ate ni primo at ang ate lang ni primo ang sumagot kaya naka hinga ako ng maluwag.
"Hello ate?" salita ko.
BINABASA MO ANG
Don't Fall In love [COMPLETED]
Любовные романыPast: paanong ang masayang samahan ay nauwi sa hiwalayan? Mahal nila ang isa't isa pero kahit gaano pa nila kamahal ang isa't isa kung naka plano silang paghiwalayin ng tadhana wala silang magagawa. kahit gaano ka tibay ang samahan kung si tadhana...