Chapter Nine
Lumipas ang ilang araw at napapansin ko na talaga ang kakaibang mga kilos ng kaibigan ko.
pero dahil masyado akong busy sa pag hahanda para sa pageant hindi ko na lamang sila kinausap tungkol doon.
Kanina lang naganap ang presentation. simula din ng mag ka sabunutan kami ni ashley sila na mismo ang umiiwas sakin na syang pinag tataka ko.
Bakit ang wi weird ng mga tao sa paligid ko ngayon? ano bang meron?
Nung isang araw naman ay sinamahan ako ni tita para ma mili ng mga gown at ng costume na kailangan ko at syempre kasama din don si primo. Ang arte pa ng lalaking yon dahil ayaw daw nya ng labas ang likod eh hindi naman sya ang mag sosoot non! ang dahilan nya ay baka mag ka pulmonia daw ako. sus if i know alam kong ayaw lang talaga nya non.
Wala namn syang nagawa ng piliin ko ang fitted gown. umangal pa nga sya noon na masyado daw sexy duh ang arte arte nya.
Huling practice na namin ito at mag hapong puro parctice lang kami.
"Hoy tulala ka na namn jan" wika ni primo at pinitik pa ang noo ko kaya hinampas ko sya.
"Epal ka" i said
"Tara na uwi na tayo mag practice pa tayo sa bahay nyo ng sayaw" aya nito kaya tumayo na din ako at nag lakad kasabay sya patungo sa parking.
Saglit lang ang byahe kaya naka uwi kami agad. Sinalubong kami ni tita at sya pa mismo ang nag ready ng mga gagamitin namin.
Namahinga muna kami saglit bago kami mag practice. Tuwing hapon ay ganito ang gawa namin. ako na ang nag turo ng sayaw at hindi naman mahirap turuan si primo. ipinilit pa nya non na kanta na lang daw pero mahigpit akong tumanggi dahil alam kong pag tatawanan lang ako ng kumag na to pag narinig akong kumanta.
Habang sumasayaw kami ay pinag mamasdan ko lang si primo hanggang sa kawayan ako nito.
"Kanina pang tapos ang music" untag nito at naka ngisi na to sakin kaya inirapan ko lang sya at uminom ng tubig.
Tuloy kami sa pag sayaw hanggang sa mapagod na sabay sabay kaming tatlo na nag meryenda matapos non ay namahinga na din.
"Mauna na po ako tita" paalam ni primo kaya ihinatid ko na sya sa labas.
"Ingat" i said at kinawayan sya.
pumasok na din ako sa loob dahil malamok na sa labas.
Tinignan ko pa saglit ang mga susuotin ko at ng matapos ay umakyat na rin at natulog.
Nagising ako dahil ginising ako ni tita
kahit inaantok pa ay bumangon na din ako at naligo. parang kakapikit ko lang ay umaga na agad. ang bilis ng oras.Kumain kami ng sabay ni tita. mamaya pa namang hapon ang pageant kaya pwede kaming hindi na pumasok ng umaga dahil wala naman ding klase dahil ang lahat ay nag aayos para sa gaganapon mamaya na mga contest.
Madaming event mamaya may dance competition, singing competition at ect.
nang umaga ay wala akong ginawa kung hindi ulitin ng ulitin ang mga sasabihin ko at ng dumating na si primo nag practice kami ulit ng sayaw at pati na din sa paglalakad namin.
"Kinakabahan ako" i said habang naka upo at inaayusan ng make up artist na kinuha ni tita.
dalawa sila ang isa ay sa mukha ko ang isa naman ay nag aayos ng aking buhok.
"Don't be im here" primo said at pinisil pa ang aking kamay kaya napangiti ako.
Ayos na ayos na din si primo at nang papunta na kami ng school nag pasundo lang kami sa driver nila primo na may dala dalang van.
BINABASA MO ANG
Don't Fall In love [COMPLETED]
RomancePast: paanong ang masayang samahan ay nauwi sa hiwalayan? Mahal nila ang isa't isa pero kahit gaano pa nila kamahal ang isa't isa kung naka plano silang paghiwalayin ng tadhana wala silang magagawa. kahit gaano ka tibay ang samahan kung si tadhana...