CHAPTER 18

13 11 0
                                    


Chapter 18

Isang buwan na akong nag start pumasok sa bagong school na nilipatan ko.

Nag katotoo din ang sinabi ni clea na magiging mag kaklase kami. actually kaming lima ay mag ka kaklase at aaminin kong nag eenjoy akong kasama sila. parang nung nakaraan lang kami nag kakilala nila channa at Elijah pero tignan mo at parang matagal na kaming mag kakakilala wala samin ang ilangan.

Katatapos lang din ng moving up namin. ngayon naman ay ang graduation nila primo gusto kong pumunta pero hindi ko alam kung matutuwa ba syang nandodoon ako.

"Uy tulala ka na naman jan ano bang iniisip mo?" untag sakin ni elijah kaya tipid lang akong ngumiti.

"Wala naisip ko lang umattend ng graduation doon sa dati kong school" naka ngiting sabi ko.

"Oh bat iniisip mo pa yon? bat hindi na lang natin puntahan ng hindi kana mag hapong tumulala jan" sabi nito

"Masyadong malayo ang dati kong school elijah" sagot ko rito pero nginisihan lang ako nito matapos akbayan.

"Alam mo mika pag ako driver walang malayo malayo sakin lahat malapit" sabi nito kaya inirapan ko sya.

"Napaka yabang mo para kang si pri-" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng matigilan ako sa pag banggit ng kanyang pangalan.

"Sino yon? pri ano?" tanong nito kaya napa buntong hininga na lang ako.

"Wala sabi ko sige na tara na punta tayo wala rin namang tayong gagawin ngayon" sagot ko at nauna ng maglakad.

Ang tatlo naming kaibigan ay nasa office pa dahil may aayusin daw ay ewan ko. kaya kaming dalawa lang ni elijah ang naiwan. nag text din ang tatlo na matatagalan pa daw kaya pumayag na din akong pumunta sa dati kong school.

"Seat belt" sabi nito kaya kinabit ko na saktong pag kakabit ko ay pinaharurot na nya ang sasakyan kaya napahigpit ang kapit ko sa seat belt.

"Elijah!" sigaw ko dahil sa sobrang bilis nyang mag maneho.

"Wala ka pang lisensya!" sigaw ko dito pero tinawanan lang ako nito at may ihinagis sakin pag kakita ko ay lisensya ng kanyang daddy.

"What the hell? napaka pasawat mo" nasabi ko na lang.

natahimik na kami sa loob at hinayaan na syang mag maneho.

Kaya gusto ko din na pumunta sa graduation nya ay dahil ito ang ipinangako namin sa isa't isa at gusto kong tuparin iyon kahit wala na kami.

Ang dapat na apat na oras na byahe ay naging isang oras lang ata dahil sa kaskasero kong driver.

napatingin na lang ako sa labas at naka tigil na kami sa tapat ng gate ng dati kong school.

"Were here" sabi nito kaya sabay na kaming lumabas pero agad akong napa balik dahil biglang nag daan ang kotse ng driver ni primo.

"What's wrong?" takang tanong ni elijah dahil pati sya ay bumalik din.

"Can i borrow a jacket?" tanong ko kaya taka itong napa titig sakin bago may inabot sa back seat at iabot sakin ang itim na jacket.

"May pinag tataguan kaba at kailangan mo pa ng jacket?" tanong nito.

"Oo meron" sagot ko.

"May face mask ka?" tanong ko ulit kaya inabutan ako nito ng disposable face mask.

"Sun glasses?" tanong ko rin kaya nag abot din sya.

"Ayan hindi na ba ako makikilala?" tanong ko kaya tumango ito.

Don't Fall In love [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon