CHAPTER 12

17 10 0
                                    



Chapter 12

Simula pag pasok ko kaninang umaga ay hindi ko na mahagilap si primo kaya kanina pa sumasakit ang ulo ko kakaisip doon.

"Ano ba yan friend ang sakit mo sa bangs ha kanina ka pa ikot ng ikot nahihilo na kami sayo ni melly" maarteng sabi ni tanya kaya padabog akong naupo sa bench katabi sila.

"Asan na ba kasi yon?" inis kong tanong.

"Si primo ba?" tanong ni melly kaya tumango ako.

"Ay nadaanan ko sila kanina ni ashley sa garden pero baka wala na din sila don dahil kanina pa yon" sagot nito kaya agad na sumalubong ang kilay ko.

What the hell? bakit mag kasama sila?

Pikon akong tumayo at iniwan sila doon nag umipasa na akong hanapin si primo at natagpuan ko sya sa open field sa may ilalim ng puno.

"Primo!" sigaw ko kaya napalingon ito sa akin

"Kanina pa kita hinahanap. hindi mo sinasagot ang mga text at tawag ko saan ka ba nanggaling?" sunod sunod kong tanong at naupo sa kanyang tabi.

"Im with Ashley" deretso nitong sagot at hindi man lang nag sinungaling.

"Alam ko at naka ka init ng ulo ang malamang kasama mo ang ex mo" sagot ko at kita ko namang natigilan sya.

"Eh ikaw bakit nag sinungaling ka kahapon? akala ko ba ay naka uwi kana?" deretsong tanong nito kaya napa iwas tingin ako.

"Na late akong umuwi kagabi primo. inutusan ako ng esp teacher namin" sagot ko at muli syang binalingan ng tingin.

"Okay" walang pake nitong sagot kaya napa buntong hininga na lang ako. ito na nga ba ang sinasabi ko. mahaba habang suyuan na naman ito.

"Sorry na okay? sorry kung hindi ko pinaalam sayo" sagot ko sabay hawak sa kanyang kamay.

"Okay" sagot nito kaya napanganga ako. yun na yon? ayos na kami? parang ang bilis naman ata?.

"Ayos na tayo?" takang tanong ko at ngumiti naman ito sakin.

"Yes yun lang namn ang kasalanan mo diba?" naka ngiti nitong tanong sakin ewan ko ba kung bakit ako kinabaham sa ngiting iyon perp nagawa ko pa din ang ngumiti pabalik bago tumango.

Nag kaayos kami ng umagang iyon pero ang mas ipinag tataka ko ay ang madalas na pag uusap nila ni ashley. hindi naman sa pinag babawalan ko sya pero nag tataka lang talaga ako dahil hindi naman na ito pinapansin ni primo simula ng matuon ang atensyon nya sakin.

Hindi ko alam pero hindi maganda ang dating sakin ng pag papansinan nila. mukhang close na close na ulit sila kaya naipilig ko na lang ang aking ulo sa mga naiisip ko masyado na naman akong nag o over think sa mga bagay bagay na hindi ko naman na dapat bigyan ng kung ano anong meaning.

Nag lunch kami pero kasabay namin ang mga kaibigan ko pati na din ang kaibigan ni primo at ang mas kina gulat ko ay kasabay namin pati ang grupo nila ashley nag kibit balikat na lang ako.

Napapagitnaan namin ngayon si primo habang sila ay may sari sariling kwentuhan.

Feeling ko tuloy ay outsider ako dito dahil wala man lang akong naintindihan sa mga pinag uusapan nila. binabalingan lang ako ni primo para ngitian at mag tanong tanong lang pero pag katapos non ay babalik na ulit sila sa pag ke kwentuhan ni ashley.

Nang pumunta ako sa washroom ay nagulat na lang ako ng sundan ako ni ashley. hindi ko alam kung sinundan nya ba ako para mang asar o para mag hanap ng away.

Don't Fall In love [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon