Chapter 19
"Ano namang naisipan mo at nag turn ka din ng med?" taas ang kilay na tanong ko kay clea.
"Ayaw mo non best friend goals tayo?" naka nguso nitong sagot
"Ang akin lang ay baka mag bago ang isip mo. akala ko ba ay gusto nila tita na mag architect ka kagaya ni Leigh?" takang tanong ko.
"Well change plan" simpleng sagot nito.
yes dalawang taon na nakalipas ng grumaduate kami ng highschool at kasalukuyang nasa college na kami. Ang huling balita ko kay primo ay umlis ito ng bansa.
"Pst" kalabit sa akin ni clea kaya nag tatanong ang mga mata kong lumingon sa kanya.
"Parang nakita ko si primo" sabi nito kaya iginala ko naman ang mata ko pero wala naman ito siguro ay na mamalikmata lang si clea.
"Wala naman. baka na mamalikmata ka lang nasa ibang bansa iyon malabong makita mo sya dito" sagot ko pero ito ay nag kibit balikat na lang.
Bumalik kami sa school para magkita kita kami nila ely. nangyari nga ang pinplano nilang mag sama sama kami sa iisang school. hindi lang yon dahil mag kakasama din kaming apat na babae sa condo.
"Ethan" sigaw ni clea sa kaklase namin pero hindi sya nito nilingon at nilagpasan lang sya kaya naka simangot na naupo ito sa table kung saan ay madalas naming inuupuan kapag lunch break.
"psh akala mo nmn ang pogi" rinig kong bulong nito ng tumabi ako sa kanya kaya lihim akong natawa..
Hindi din nag tagal ay nag si datingan na ang iba pa naming kasama.
"Oh bat puro kayo naka simangot jan?" bungad sa amin ni ely matapos umupo sa tabi ni Leigh.
"Hoy ely wag mo akong idamay jan" sagot ni Leigh habang busy sa pag lalaro ng kanyang cellphone.
"Eh anong ngang nangyari bakit ganyan ang mga mukha ng mga yan mukhang sinakluban ng langit at lupa" natatawang sambit ni ely kaya binato sya ni channa ng bottled water na wala ng laman
"Hoy ikaw ely namumuro kana sakin ha! dahil sayo nalaman ni ritch na crush ko sya!" inis na sabi ni channa rito.
"Ayaw mo non tinulungan na nga kita sa crush mo eh" agad na depensa namn ng lalaki.
"Hoy kayong dalawa jan tumigil na kayo jan ikaw ely umorder kana araw mo ngayon" naka ngising sabi ko.
"Mika naman pinaalala pa" kamot ulo nitong sabi bago tumayo at nag lakad palayo.
"Elyyyy samahan mo ng madaming unli rice ha" pahabol ni channa kaya biglang bumaling samin si ely.
"Kaya ka tumataba eh puro ka unli rice" sagot ni ely kaya sumimangot si channa.
Hindi sila natahimik at sanay na din naman ako. nag kwentuhan at nag asaran pa sila hanggang sa dumating na si ely dala dala ang mga pag kain.
Matapos ang lunch ay bumalik na din kami sa classroom namin at kasabay ko ngayon si clea at nag ke kwento sakin.
simula ng huling araw kong makita si primo ay iyon na din ang araw ng malaking pag babago sa aking buhay.
Hindi na ako muling nag boyfriend dahil kontento na ako sa buhay ko.
Nang makapasok kami sa loob ng room ay iniwan na agad ako ni clea at agad na tumabi kay Ethan kaya napa iling na lang akong umupo sa likod at hindi din nag tagal ay may tumabi na sakin.
"Hi mika" naka ngiting bati sakin ni jesryl kaya tipid akong ngumiti dito.
Si jesryl ay ex flings ko na ewan ko at habol pa din ng habol sa akin.
BINABASA MO ANG
Don't Fall In love [COMPLETED]
RomancePast: paanong ang masayang samahan ay nauwi sa hiwalayan? Mahal nila ang isa't isa pero kahit gaano pa nila kamahal ang isa't isa kung naka plano silang paghiwalayin ng tadhana wala silang magagawa. kahit gaano ka tibay ang samahan kung si tadhana...