Chapter Seven
Andito kami ngayon sa bahay nina tanya at maaga naming napag usapan ang tungkol sa presentation at ito kami at nag uumpisa ng gumawa.
"Melly you're going to present it and you mika you'll going to make our presentation design and etc at ako naman ang gagawa ng research" sabi nito kaya tumango na lang ako habang nagtitingin tingin ng magandang design dito sa laptop ko.
"Pick one alin mas maganda?" tanong ko sa kanila habang ipinapakita ko sa kanila ang screen ng laptop ko.
"I think this one" turo ni melly kaya tumango na lang ako at nag simula na sa aking gawain.
Hapon na at dito agad kami dumeretso sa bahay nila tanya para makagawa ng i pe present next week.
Napaaga din ang pag gawa namin dahil sa pageant ko mas in advance na namin para maka pag practice na ako.
Huminto lang kami ng mag lapag na ng meryenda ang kasambahay nila tanya. Matapos naming mag meryenda ay ipinagpatuloy na din namin ito.
Ginabi na kami sa ginagawa namin kaya ipinahatid na lang kami pauwi.
"Bye melly" paalam ko bago lumabas ng kotse. Agad akong pumasok sa loob
"Oh ginabi kana ata" bungad sakin ni tita ng maka pasok ako.
"Group Presentation po tita" i said bago inilapag ang bag sofa.
"Tara na kumain na muna tayo" aya nito kaya sumunod na ko sa kanya at sumabay ng hapunan.
Busy ako ngayon sa pag pe paste ng mga sinend na files ni tanya sakin para sa i pe present namin.
Nang matapos don ay natulog na din ako.
Kinabukasan ay tinanghali na ako ng gising dahil napa sarap ng tulog kaya ang ending pumasok ako ng walang kain.
Saktong sakto lang ako sa pag pasok buti na lang at hindi ako na late.
Kagaya ng inaasahan ay naka excuse na ako nandito kami ngayon sa gym para sa unang practice namin.
Kanina ko pa nakikitang pangisi ngisi sakin ang impaktong si primo kaya panay naman ang irap ko.
"Okay sige rumampa muna kayo isa isa" sigaw ng baklang taga practice saamin kaya sinunod namin ito.
Hiyang hiya ako dahil ramdam ko ang pagtitig sakin ni primo nang ako na ang rumampa.
"Next rampa kayo with your partner" sigaw nito kaya sinunod ulit namin ito.
"Kapit ka sakin" utos ni primo kaya wala akong nagawa kundi ang umangkla sa kanya rinig ko pa ang pag singhapan ng mga babae sa aking likuran.
"Hindi dapat ako sasali dito kung hindi ko lang nalaman na ikaw pala partner ko" bulong sakin ni primo kaya pasimple ko syang siniko.
"Ulitin nyo number 9&17 bakit kayo nag sisikuhan?" mataray na sabi ng bakla pero hindi namin ito pinansin at inulit na lang.
Nag break time muna kami matapos ng ilang pinagawa saamin.
Mag katabi kaming naupo ni primo sa baba ng hagdan at sabay na nag me meryenda.
"Alam mo bang si Ashley dapat ang ka partner mo ngayon kung hindi lang nag botohan sa classroom namin?" tanong ko.
"No. At kung sya lang din ang makakapareha ko e makikipagpalit na lang ako kay vince"sagot nito kaya nag kibit balikat na lang ako.
Nakita ko na din ang paunti unting pag labas ng mga estudyante dahil malamang ay recess na nila.
Agad akong dumistansya kay primo pero ang loko ay inakbayan pa ako kaya agad ko syang siniko.
BINABASA MO ANG
Don't Fall In love [COMPLETED]
RomancePast: paanong ang masayang samahan ay nauwi sa hiwalayan? Mahal nila ang isa't isa pero kahit gaano pa nila kamahal ang isa't isa kung naka plano silang paghiwalayin ng tadhana wala silang magagawa. kahit gaano ka tibay ang samahan kung si tadhana...