Chapter 13
[Mikay punta ka dito i know mainit ang ulo mo let's have a party para namn ma relax ka] salita sa kabilang linya.
[Yes sure saan ba yan tanya?] tanong ko.
[I text you the address punta ka ha] sabi nito kaya pumayag ako at mabilis na nag palit ng damit.
napa tingin ako sa orasan at alas nuebe na ng gabi wala si tita dahil bukas pa ang uwi nito. nang umalis din kanina si primo ay nawala na ang inis ko.
Nag pahatid ako sakay ng tricycle sa kanto at sinabi ang address na pupuntahan ko
Nang makarating ako sa labas ng bahay ay agad na rinig ang malakas na music at kasiyahan sa loob.
nag text ako sa mga kaibigan ko na nasa labas na ako at ilang minuto lang ay nasa harap ko na sila.
"I will sure to you na mawawala ang init ng ulo mo let's enjoy the night" tili ni melly habang naka ngisi silang dalawa ni tanya sakin kaya napa ngisi na lang din ako.
pag pasok namin sa loob ay bumungad sakin ang amoy alak at amoy ng sigarilyo.
Hinila ako ng dalawa kong kaibigan sa kusina at doon kami nag kwentuhan masyadong marami ang tao kaya halos hindi ko na din sila ma mukhaan. dim light pa ang gamit at kahit naka dim light kitang kita ang mga nag hahalikan sa mga sulok kaya napa iling na lang ako.
Nalilibang naman ako sa mga kaibigan ko kaya hindi naging boring sakin ang party. we had a games nag sayawan din kami may iilan pang na nonood nang movie.
"Kanino nga pa lang pa party to?" tanong ko sa kanila habang naka sandal sa upuan nandito pa din kami sa kusina.
"Sa kaibigan ko" sagot ni tanya kaya napa iling na lang ako.
"Lahat naman ata ay kaibigan mo" sagot ko at sabay sabay kaming nag tawanan.
"Nag kaayos naba kayo ni primo?" biglang tanong ni melly kaya agad akong sumimangot at alam na nila ang ibig sabihin non.
"Ano ba yan bukas na ang 2nd anniversary nyo ah? puro kayo away" wika ni tanya kaya napa kibit balikat na lang ako.
"Ay basta naiinis ako kay primo at sa mga akto nya kanina" sabi ko
nagpatuloy ang kwentuhan namin hanggang sa ayain na naman nila akong mag uno cards nakisali kami sa isang kumpol na mga ka edaran lang namin.
Sa buong laro ay naka simangot lang ako dahil hindi ako manalo nalo.
"Malas mo friend" natatawang sigaw ni tanya dahil hindi kami mag kaka rinigan sa lakas ng sounds sa loob ng bahay.
Naka ilang round pa kami sa uno game na yon bago kami umalis at nag try ng iba pang game.
Lumabas din kami para doon namn sa pool side mag kwentuhan dahil masyong maingay sa loob.
Kanina pa din tunog ng tunog ang phone ko at tawag ng tawag si primo kaya nag text akong wag na syang tumawag dahil natutulog na ako.
Lumipas ang ilang minuto at tumigil din ang pag ri ring ng phone ko at nag reply naman sya pero hindi na ako nag abala pang replayan sya dahil nag abot na naman ng panibagong baso ang mga kaibigan ko.
Nang lamigin na kami ay muli kaming bumalik sa loob at naupo muna sa sofa dahil nahihilo na daw ang mga kaibigan ko. kahit ako man ay nakakaramdam na ng hilo pero kaya pa naman.
"Punta lang kami sa kusina ha kuha lang kaming drinks" bigla silang tumayong dalawa at nag paalam kaya tumango na lang ako habang pinanonood ang iba pang kasama dito sa loob ng bahay na ito.
Dalawang palapag ang bahay at malaki din kaya naman nag kasya ang marami dito siguro ay lagpas kaming 30 or 40 dahil sa dami ng mukha akong nakikita may iba pa ngang bagong dating lang at ang iba naman ay nag si uwian na pero hindi naman nauubusan ng tao dahil may dadating na namang panibago.
Pag balik ng mga kaibigan ko ay may dala na nga silang panibagong baso at inabot sakin ang isang baso kaya tinanggap ko iyon at ininom.
"Last na to ha uuwi pa ako" natatawang sabi ko kaya nag si tanguhan naman sila
"Mahal mo ba talaga si primo?" biglang tanong sakin ni tanya na may ngisi sa kanyang labi.
"HAHAHA" natawa ako sa hindi malamang dahilan na babaliw na ata ako.
"Hindi. hindi ko mahal si primo" naka ngisi kong sabi.
"Kase mahal na mahal ko sya" sabi ko at bigla na lang nasuka.
"Eww ang dugyot mo mika tara sa taas samahan ka namin sa banyo" natatawang sabi ni melly at inakay ang aking braso.
"Gago sabi sa inyo last na e kayo kanina pa kayo last ng last nakaka ilang last na kayo" natatawang sabi ko habang paakyat kami ng hagdan.
"Teka bat ba nag hahagdan tayo wala bang banyo sa baba?" tanong ko pero walang sumagot sa kanila kaya nag kibit balikat na lang ako at na nahimik na dahil lalo lang akong nahihilo pag dumadaldal ako.
Pumasok kami sa isang kwarto at madilim dito kaya nabunggo bunggo pa kaming tatlo at natatawa na lang kami.
"Para kayong tanga may ilaw naman bat ayaw nyong buksan" salita ko kaya natawa si tanya.
"Hindi namin alam kung saan naka lagay ang switch" sagot ni melly at binitawan na ko ng nasa tapat na ako ng banyo.
"Intayin kana lang namin sa labas mika ha enjoy the night" matamis na ngumiti sakin ang dalawa kong kaibigan at tinawanan ko lang sila bago pumasok sa loob ng banyo para umihi na din at sumuka.
Matapos akong gumamit ng banyo ay madilim na naman at kanina pang umiikot ang paningin ko. pakiramdam ko ay bigla na lang akong inantok. wait nakaka ilang baso na ba kami kanina? tatlo pa lang iyon sa pag kaka tanda ko hindi naman ako mabilis malasing.
Sa aming tatlo ay si melly ang pinaka mabilis malasing at sumunod si tanya pero bakit parang maayos pa ang mga utak ng mga iyon? nag kibit balikat na lang ako at nag patuloy sa pag hahanap ng pinto palabas.
Bawat pag kaka bunggo ko ay natatawa na lang ako naka ilang tumba din ako at para na akong baliw dito na nag hahanap ng pinto sa dilim
What the heck? anong nangyayari sakin? ganito na ba ang epekto ng alak sa akin?
"Nasan na ba ang pinto?" inis na sigaw ko ng matumba na naman ako nandidilim na din ang paningin ko.
"Melly asan na kayo? mga gago hindi ko makita ang pinto" sigaw ko habang na nga ngapa.
"Tanya letse puntahan nyo ko dine hilong hilo na ako" pag sigaw ko dahil mas lalo lang akong nahihilo sa aking pag lalakad.
May narinig pa akong tawanan at boses iyon ng mga kaibigan ko.
"Mga gaga kayo pinag ti tripan nyo ba ako?" pasigaw ko pero wala namang sumagot sa akin kaya napa padyak na lang ako.
Gaano ba kalaki ang kwartong ito at hindi ko makita ang switch pati na din ang letseng pintuan na yon?
Sige ang lakad ko hanggang sa mapaatras ako akala ko ay babagsak nako sa sahig pero isang malambot na kama ang sumalo sa aking katawan napa ngiwi na lang ako ng may tiyan akong bagsakan so hindi ako nag iisa dito? dalawa kami?.
"Tignan mo na baka naka tulog na" huling narinig ko at parang boses ito ni ashley hindi ko na alam kung nasa tama pa ba akong pag iisip paano namang mapupunta dito si ashley? tuluyan na akong napapikit dahil sa hilo at sakit ng ulo ko.
_____________________________
Thank You Readers
Please Do Votes And Comments
I Really Appreciate It ThankssssA/N: Sorry for short update bawi na lang next time hehe i will post chapter 14 later. Stay Tuned!
BINABASA MO ANG
Don't Fall In love [COMPLETED]
RomansaPast: paanong ang masayang samahan ay nauwi sa hiwalayan? Mahal nila ang isa't isa pero kahit gaano pa nila kamahal ang isa't isa kung naka plano silang paghiwalayin ng tadhana wala silang magagawa. kahit gaano ka tibay ang samahan kung si tadhana...