EPILOGUE
Naka ngiti akong nakatingin sa salamin habang pinagmamasdan ang sarili soot ang magandang wedding gown.
"Sure ka na ba jan mika? wala ng atrasan to." pag bibiro ni Leigh habang naka tingin din sakin.
Naiiyak na niyakap ko silang tatlo. "Ako pa pala ang mauuna sa ating tatlo" naka labi kong sambit habang yakap yakap sila.
"Hoy gaga ka wag kang mag drama jan mika masisira ang make up mo. ayan na nga lang ang nag papaganda sayo" pang lalait ni clea kaya napa bitaw ako sa yakapan namin.
"Alam mo ang epal mo talaga. uhh naiinis ako sayo! ayos na yung moment clea!" inis na sabi ko.
"Errr sorry na ha? gusto lang talaga kitang asarin dahil alam kong hindi mo ako mahahampas" ngiting sabi nito kaya napa irap ako.
Silang tatlo ang kasama ko dito sa kwarto dahil may kausap sina mama at papa, si tita naman ay kasama din nila.
"Hali na kayo naka ready na ang lahat" sabi ni tita mula sa pinto kaya inalalayan naman ako nina channa at Leigh.
nag simula na kaming bumaba hanggang sa makasakay ako ng kotse ay inalalayan nila ako.
kasama ko ngayon sina mama at papa habang si tita ay kasama na ng mga kaibigan ko.
Kapwa tahimik ang mga magulang ko kaya napasimangot ako. "Ma, Pa bat ba ang tahimik nyong dalawa?" tanong ko sa mga ito.
"Wala lang hindi lang ako makapaniwala na aabutan ko pa at maihahatid pa kitang mag lakad sa altar. ang akala ko ay mabubulok na ako sa kulungan" naka ngiting sabi ni papa kaya napalingon naman ako kay mama na tahimik lang.
Napatingin naman ito sa akin at tipid akong nginitian. "Wag mo kong tignan ng ganyan baka makarating tayo sa simbahan ng sira yang make up mo" mataray nitong sagot kaya hindi ko maiwasang matawa.
"Mama yung make up ko talaga ang inaalala mo?" naka nguso kong tanong. Hindi rin nito napigilan na mapayakap sakin.
"Im happy for you anak. you find your own happiness." bulong nito at naramdaman ko na lang na may pumatak na butil ng luha sa aking balikat.
"Be a good mother and wife to your family. wag kang tumulad sa akin na hindi na kasama ang anak sa pag laki nito" sabi nito at otomatikong nag init ang gilid ng aking mata kaya napakagat labi kong pinipigil ang pag tulo ng aking luha.
"Mama naman eh! pinapaiyak mo ko! at isa wala na yon ma hindi naman ako nag tanim ng sama ng loob sayo, para sa akin din naman ang ginawa mong iyon" mahinang sabi ko.
"Nako nag drama na ang mag ina ko" rinig kong sabi ni papa at nakisali sa aming yakapan.
"Basta anak pag pinaiyak ka ni primo tawagin mo lang ako babawiin kita don" sabi ni papa kaya napangiti ako.
"Thank you mama and papa, im happy. this is my wedding day so smile na kayo." naka ngiting sabi ko.
Nagulat na lang ako ng sabay nila akong halikan sa aking pisngi
hindi ko maiwasang mapangiti ng matamis.Nang huminto ang sasakyan namin ay marahang pinunasan ni mama ang luha ko at si papa naman ay nauna ng bumaba para pag buksan kami ng pinto.
"Maiwan ka muna namin dito anak tatawagin ka na lang ng wedding organizer nyo" paalam nila mama at papa kaya tipid na tumango ako sa mga ito.
BINABASA MO ANG
Don't Fall In love [COMPLETED]
RomancePast: paanong ang masayang samahan ay nauwi sa hiwalayan? Mahal nila ang isa't isa pero kahit gaano pa nila kamahal ang isa't isa kung naka plano silang paghiwalayin ng tadhana wala silang magagawa. kahit gaano ka tibay ang samahan kung si tadhana...