CHAPTER 25

19 11 0
                                    



chapter 25



Pag kabalik ko sa tapat ng operating room ay nandoon pa din ang mga kaibigan kong mga tulala.

Agad namang napa tayo ang mga ito ng mapansin ako.

"Hindi pa din ba lumalabas ang doctor? ilang oras na sya sa loob" tanong ko pero tanging iling lang ang isinagot ng mga ito.

Nang maka upo ako ay lahat sila ay mga tahimik lang. kapwa mga nag papakiramdaman kung sino ang mauunang mag salita.

"Si primo ang ama ni allison" pagsasalita ko kaya sabay sabay silang napalingon sakin.

"Paanong nangyari yon? diba ay matagal na kayong hindi nag kikita?" tanong ni clea kaya napa iling lang ako.

"Actually im already married with him" pag amin ko at bakas naman sa mga mukha nila ang pag kagulat.

"Paanong nangyari yon?" naguguluhang tanong ni Leigh kaya tipid lang akong ngumiti sa kanila.

"Long story" iyon na lang ang sinabi ko at tumayo na ng makitang nag bukas na ang pinto.

"Doc is she okay?" bungad ko kay ethan dahil sya pala ang nag opera kay Aj.

"She's fine she need a rest. baka maya maya lang din ay magising na sya. call me if magising na sya mamaya" sagot nito bago mag paalam kita ko pa ang pag kindat nito kay clea at ang marupok ko namang best friend ay ngumisi lang.


Hindi din nag tagal ay nailipat na sya sa sarili nyang kwarto at nandito kaming lahat ngayon at tahimik na pinag mamasdan ang anak kong mahimbing na natutulog.

Nang gumalaw ito ay agad akong napatayo at mas lumapit sa kanya.

"M–mommy" mahinang sabi nito kaya marahan kong hinaplos ang kanyang pisngi at ramdam ko na lang na muling tumulo ang aking luha.

"Shhh mommy's here baby" bulong ko at hinalikan ang kanyang noo.

"Daddy" bulong nito kaya agad akong natigilan. napalingon ako sa pinto ng bigla itong bumukas at iluwa nito si primo.

Hindi ako naka pag salita ng lumapit sya kay allison.

"Hey baby daddy's here. pagaling ka ha? sasamahan ka ni daddy" salita nito at naramdaman ko na lang na nag ubuhan na ang mga kaibigan ko at isa isang lumabas.

"Tawagin ko lang si ethan ha" bulong sakin ni clea bago lumabas.

"Daddy where have you been?" tanong ng aking anak kaya napa iwas ako ng tingin.

"Sorry baby daddy is busy on his work but im here baby daddy is always stay beside you. hindi ka na iiwan ni daddy" bulong nito habang nilalaro ang kamay ng anak namin.


Nang dumating naman si ethan ay may mga ilang itinanong lang sya kay allison at matapos non ay kinausap na din ako para mapag paliwanagan ng mga dapat gawin.

Nang lumabas si ethan ay agad akong nilapitan ni primo.

"Anong sabi ng doctor?" tanong nito.

"She's fine she need a rest pwede na din syang maiuwi pag lipas ng isang linggo" sagot ko dito bago sya lagpasan.

"Kayla im sorry" mahinang sabi nito kaya napahinto ako.

"Bakit?" maang maangan kong tanong.

"I know everything. umamin na sakin sina tanya at melly" mahina nitong sabi at hindi maka tingin ng deretso sakin kaya napa ngisi na lang ako ng mapait.

Don't Fall In love [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon