Chapter 15
Nang araw na yon wala akong nagawa kundi ang umiyak at mag mukmok lang sa aking kwarto.
Paulit ulit na itinatanong sakin ni tita kung anong nangyari pero na nanatiling tikom ang aking bibig.
Nang sumunod na araw ay pumasok ako ng hapon dahil hindi ko kayang pumasok ng umaga at maga ang mata.
"Congrats tanya and melly nasira nyo kami keep it up" mapait ang ngiting bati ko kaya natigilan sila at hindi masalubong ang bawat tingin ko.
"Itinuring ko kayong kaibigan hindi nyo ba dama? nag paka totoo ako sa inyo hindi nyo ba napansin? hindi ko na tatanungin kung bakit nyo nagawa yon dahil hindi naman na maibabalik non ang relasyong nasira ninyo" huling sabi ko bago naglakad pa palayo.
Nang araw na makipag hiwalay sya ay hindi ako umuwi saamin. pumunta ako sa isang taong alam kong totoo sakin iyon ay ang best friend kong si clea sya ang naging sandalan ko ng gabing iyon.
My best friend is a treasure for me kase mahirap ng maka hanap ng mabuting demonyo katulad ni clea.
Hindi ako tumigil sa pag hahabol kay primo pero eto sya at pa ulit ulit akong itinataboy. hindi ko na nga din alam kung anong espiritu ng pag ka martyr ang pumasok sa aking katawang lupa at pilit pa rin akong nag hahabol sa lalaking ayaw ng makinig sa akin.
Ang sakit lang na mas pinaniwalaan nya ang mga kaibigan ko kesa sa akin na halos dalawang taon nya ng kasama at kakilala. ni hindi nya pinakinggan ang side ko at mas pinili nya pang isarado ang pandinig mula sa akin.
Lagi ko na silang nakikitang mag kasama ni Ashley nasasaktan ako pero sino ba ako para masaktan? ako lang to yung nangloko daw kay primo. tangina nila.
Sinabi ko na din kay tita na kung pe pwede ay mapabilis na ang paglipat ko ng school dahil lilipat na din namn kami ng bahay.
andito ako ngayon sa baba ng building nila primo at hinihintay ang uwian nila.
Gusto ko lang mag paalam sa kanya pero mukha hahadlang pa ata si tadhana dahil natanaw ko na silang dalawa ni ashley na masayang nag uusap.
Bigla na namang namasa ang mga mata ko kaya agad ko itong pinunasan at pinilit ngumiti ng mapatingin sila sa aking gawi.
"Primo" pag tawag ko pero hindi ako nito pinansin at nilagpasan lamang ako nito.
"Primo sandali" pag hatak ko sa kanyang braso.
"Ano ba?! hindi kaba napapagod kakahabol sakin?! hindi na nga ako maniniwala sayo bakit ba ang kulit mo?!" sigaw nito kaya napakagat labi na lang ako at nag baba ng tingin.
"I just want to say goodbye for the last time primo" naka yukong sabi ko dahil hindi ko na mapigilan ang muling mapaluha.
hindi ito nag salita pero ramdam ko ang titig nya sa akin.
"Nasabi mo na umalis ka na" malamig na sabi nito at naramdaman ko na lang na wala na sila sa harap ko. kaya bagsak ang balikat na nag lakad ako papalabas ng campus.
Sakto pang tumulo ang ulan at nakisabay sa agos ng aking luha napatingala na lang ako habang nakapikit at hinahayaang mapatakan ang aking mukha.
Naramdaman ko na lang na wala ng pumapatak sa mukha ko kaya napamulat na ako at agad na namulatan ko ay ang itim na payong na hawak ngayon ni kevin.
BINABASA MO ANG
Don't Fall In love [COMPLETED]
RomancePast: paanong ang masayang samahan ay nauwi sa hiwalayan? Mahal nila ang isa't isa pero kahit gaano pa nila kamahal ang isa't isa kung naka plano silang paghiwalayin ng tadhana wala silang magagawa. kahit gaano ka tibay ang samahan kung si tadhana...