CHAPTER SIX

14 10 0
                                    






Chapter Six


Natapos ang eksena sa classroom namin ay nag recess akong mag isa dahil ang mga magagaling kong kaibigan ay ni hindi man lang sumunod sakin sa hindi ko malamang dahilan.

Pag balik ko matapos ng recess namin ay wala na ang grupo ni Ashley pati na din sina tanya at melly ni hindi ko alam kung saan nag soot ang dalawa kong kaibigan.

Pinag patuloy ko ang klase sa araw na ito at naging tahimik naman ang araw ko lalo pa at walang ng gugulo.

Nag lunch din akong mag isa dahil nga wala akong kasabay. well sanay akong mag isa noon nung nasa poder pa ako ni mama dahil lagi naman syang wala noon.

Natapos ko ang mga klase ko sa araw na ito nang hindi ko man lang nakikita si primo. Wala din syang text or tawag sakin kaya napa kibit balikat na lang ako.

Naka uwi nako ngayon at hindi ko tlaaga nakita mag hapon ang hari ng mga GGSS na iyon. saan kaya nag suot ang magaling kong boyfriend?


Taka akong napatingin sa bahay ni tita dahil nakapatay pa ang ilaw nito. ni wala man lang naka bukas ni isang ilaw.

Napapikit na lang ako ng may biglang pumutok na copetti at kasabay non ang pag bubukas ng ilaw.

"What the hell?" sigaw ko habang sapo ang aking dibdib dahil sa pag ka gulat.

Nanlaki ang mata ko dahil sa mga lobong nag kalat sa loob ng bahay at may kung ano anong naka lawit na design pa.

"Happy one year and eight months of love kaikai!" sigaw ni primo at agad akong kinabig ng yakap.

Bat nakalimutan ko? ganon na ba ako ka busy?

"Im speechless primo" iyon na lang ang nasabi ko ng maka upo sa sofa.

"Dapat lang. dahil alam kong nakalimutan mo" sagot nito kaya napa kagat labi ako dahil totoo naman.

"Sorry na" i said at agad syang hinalikan sa kanyang pisngi.

"Forgiven" naka ngisi nitong sagot.

"Wait nasaan nga pala si tita?" takang tanong ko dahil hindi ko ito nakita.

"Somewhere down there" wala sa hulog nitong sagot kaya na hampas ko sya.

"Primo!" i said at pinanlakihan pa sya ng mata.

"May pinuntahan pero pabalik na din yon" sagot nito at inakbayan pa ko.

"Thank you for this primo. kahit lagi mo kong bini bwisit kahit hilig mong sirain ang araw ko. Happy 1 year and eight months of love baby. last 2 months at mag to two years na din tayo. ang bilis ng panahon parang noon lang ay naka nganga ka pang natutulog sa library" natatawang wika ko kaya pinisil nya ang ilong ko.


"Oo parang noon lang ay pakipot ka pa ngayon mag to two years na tayo" sabi nito kaya napa irap ako.

"Hindi ako pakipot! ayoko lang sayo dahil napaka GGSS mo" sabi ko.

"Ayaw mo sa gwapo?" tanong nito kaya naka ngising umiling ako.

"Ay tara na meryenda na tayo mga bata" boses ni tita na kakapasok lang.

Nag tungo kami sa kusina at naka ayos na pala don ang mga pag kain at may pa cake pa.

We took a pictures for our memory pero hindi nman nmin ito pinopost dahil gusto ko na kami kami lang ang makaka alam.

Don't Fall In love [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon