SA POOL AREA mabilis ang tibok ng puso ng dalagang si Jane nang makaalis si Matthew. Nang lingunin niya ito ay tinawag pala ito ni Ruine mula sa labas ng pool room. Nakita rin siya nito at ngumiti ang binata sa kanya saka siya kinawayan.
Kumpara sa best friend nitong si Matthew, ay friendly talaga si Ruine. Kinawayan naman ng dalaga ito pabalik at pinilit na ngumiti. Kinakapos parin kasi siya sa hininga sa pagkikita nila ni Matthew.
She came to know Ruine's name from Wynona, natanong niya kasi ito kahapon sa kaibigan.
Hanggang sa makaalis na ang dalawang binata ay kinalma ng dalaga ang sarili. Napahawak pa ito sa bandang puso niya.
Ano kayang ginagawa ni Kuya Matt kanina dito? Isip ng dalaga.
Habang nakatayo sa gilid ng pool si Jane, ay hindi niya namamalayang ang papalapit na babae mula sa kanyang likuran. Masama ang tingin ng babae sa kanya, may inggit at poot sa mga mata nito.
'How dare her talking to Kuya Matt!' Galit na sabi pa ng babae sa isipan pagkatapos ng makita niya kanina. Pero hindi nagtagal ay ngumisi ito.
'Ang dapat sa'yo ay malunod. Malandi ka!' dugtong anya sa isipan. Ito rin ang babae sa locker room na naiinis sa kanya.
Mabilis ang pangyayari. Malakas niyang tinulak ang walang kamalay-malay na si Jane sa pool habang nakatalikod ito.
Nang lumubog ang dalaga ay mas lumaki ang ngisi ng babae sa bibig. Tumingin-tingin pa siya sa paligid. Wala namang ibang tao at walang nakakita sa kanya. Tumawa siya sa sarili.
'Ang dapat sa'yo mawala na' Sabi pa niya sa isipan.
Iniwan niya si Jane na kasalukuyang humihingi ng saklolo.
Marunong lumangoy si Jane ang kaso lang ay biglang namanhid ang isang hita niya, hindi niya ito maigalaw. Nasa pinakamalalim na parte pa naman siya ng swimming pool, tatlong dipa pa ang taas ng tubig mula sa ulo niya.
Kahit na ano'ng gawin niyang pagkuway at galaw ng mga kamay ay hindi siya makaahon sa tubig. Unti-unti siyang nalunod nang makainom ng tubig.
Ni hindi niya nakita kung sino'ng tumulak sa kanya.
Makalipas ang sandaling nalunod si Jane sa swimming pool saka nakabalik si Wynona. Nagtaka siya nang hindi makita ang best friend noong una hanggang sa makita niya ang lumulutang na katawan ng best friend sa pool. Jane is facing the water, her half body was submerged in water. Pero kilalang-kilala niya ang likod nito na nakikita niyang lumulutang.
Wynona felt like her heart went out from her chest sa nakikita niya. Pakiramdam niya ay nahulog ang puso niya sa sindak na nakita at mabilis na tumakbo at tumalon sa pool.
"OH MY GOD! JANE! Wake up!" Nai-ahon na niya ang best friend sa taas. Sunod-sunod na bumagsak ang mga luha ni Wynona, tumatangis, she's using her hands to pump Jane's chest para malabas ang tubig nito sa bibig.
"Jane! Wake up! Please! Please! Don't leave me! I'm sorry! I'm so sorry!" Pag-iyak ng dalaga. Nanlalamig ang mga kamay niya, natataranta at takot na takot. Walang tigil ang luha niyang bumabagsak. Hindi siya makahinga.
Ang noo'y laging nakangiti at masiglang mukha ng best friend ay ngayo'y namumutla na.
"Somebody help us! Tulong!" Malakas niyang sigaw habang dinidiinan parin ang dibdib ng dalaga para ilabas ang tubig na nainom nito.
Matagal na ba itong nalunod? Nanlalabo na ang mga mata ni Wynona. She blamed herself to what happened to Jane.
Kaya ayaw niya itong iniiwang mag-isa. 'it's my fault' paulit-ulit na isip ng dalaga habang umiiyak.
BINABASA MO ANG
The Killer who's Obsessed with Me
Aktuelle Literatur(18+) "B-But you a-are a bad guy.." "Yes. I kill people. I'm a murderer. But I want you Jane Maddison." Malamig na sagot ng binata. Date posted: December 12, 2020 Ctto to the pictures I use in the story. All Rights Reserved 2020