NAGISING siya mula sa isang masamang panaginip. Someone is running after her. May isang babae raw na humahabol sa kanya at may tangan itong kutsilyo habang nakangisi sa kanya. Noong una ay wala pa itong mukha. Pero hindi kinalaunan ay umukit ang pamilyar na mukha nito.. Yuna.
Kaagad siyang napamulat at sumalubong sa kanya ang malinaw at pamilyar na pares ng mata. Kulay abo ang mga ito.
Naramdaman niyang tumigil ang marahang paghaplos sa may buhok niya.
Naghahabol pa siya noon ng hininga mula sa napanaginipan. Pinagpapawisan. Dumiretso ang tingin nila sa mga mata ng isa't-isa. Tila natigilan ito nang magmulat siya. Isang dangkal lamang din ang layo ng mga mukha nila. Nang mapag-sino niya ito ay natangay ang lahat ng hangin sa dibdib niya. Matthew.
Saka niya lang napagtanto ang posisyon nila. He's hovering over her, so close to her. Nakahiga sila at magkatabi sa isang malambot na kama ngayon. Nakatagilid ito at nakaharap sa kanya habang nakasiksik siya sa katawan nito.
Mahihiya ang hangin sa sobrang lapit nila sa isa't-isa kasi walang espasyo sa pagitan nilang dalawa.
Nasa kanya ang mga mata nito. Tumigil sa pagtibok ang puso niya saka iyon malakas na kumabog nang sunod-sunod. Parang tambol sa lakas ng kabog. May kung ano sa tingin nito na ikinainit ng mga pisngi niya.
His eyes on her were intense, looking on her heavily. Habang tumatagal ay pabilis na nang pabilis ang kabog ng puso niya. His seductive and beautiful eyes are mesmerizing and have never ending depth of mysteries. She melted.
Her bad dream drifted away to the far away land.
Parang nawala na parang bula iyong takot at pagkabalisa niya kanina. Nakalimutan niya yung napanaginipan niya. Ano nga ba yung panaginip niya? Tungkol saan nga ba iyon? She totally forgot about it while gazing up to him.
Natunaw siya at nanlambot sa titig nito.
Nararamdaman niya ang bawat pagdampi ng hininga nito sa kanya. Nanuot sa kanya ang nakakaadik nitong pabango at lumukob ito sa kanya.
She felt safe.
"You're awake." Nakiliti siya sa pagtama ng hininga nito sa mga labi niya. Muli nitong hinaplos ang hawak-hawak na hibla ng buhok niya saka iyon pinakawalan.
"You're not a dream.." Nabulong niya sa sarili, nabigkas ang nasa isipan niya lamang sana.
What on earth..?
Bumuka naman ang mga labi nito, tila may sasabihin sa kanya.
"I.."
Pinigil niya ang hininga. His eyes slowly moved, roaming around her face.
He bit his lower lip and let it go, instead he wet his lip with his tongue.
"I.. You didn't wanna let me go."
Yumuko ito sa mga kamay niya na nakakapit lang naman sa suot nitong polo. Mahigpit na nakakapit. Nagusot niya ang damit nito sa sobrang higpit ng kapit niya. Kanina pa ba siya nakakapit dito?
"Sorry.." Malakas siyang napasinghap at natauhan, binitawan niya ang damit nito.
Bumangon naman ito. Lumubog ang kama sa galaw nito at naiwan siya sa higaan. Naiwan din ang nakakaadik nitong pabango tanda'y hindi niya lang ito imahinasyon at panaginip. He smells exquisite. Matthew smells so good. Parang may gustong magreklamo sa kaloob-looban niya. Gusto niya sana itong hatakin sa kwelyo pabalik. Pero pinigil niya ang sarili. Is she out of her mind? Wake up Jane.
Napayuko siya sa damit niya at nakitang suot niya parin yung damit niya sa camping.
Umupo naman ito sa isang silya sa gilid lang ng kamang hinihigaan niya. Nag-iwas ito ng tingin.
BINABASA MO ANG
The Killer who's Obsessed with Me
Ficção Geral(18+) "B-But you a-are a bad guy.." "Yes. I kill people. I'm a murderer. But I want you Jane Maddison." Malamig na sagot ng binata. Date posted: December 12, 2020 Ctto to the pictures I use in the story. All Rights Reserved 2020