Kabanata 25

8.7K 272 39
                                    

KINAkalma na ngayon ni Jane ang sarili pagkatapos ng nasaksihan niya kanina, she was so shock of what happen at sa kakaiyak ay nakatulog na lamang siya. Her mind just went blank of what she saw.

"Kagagawan lang siguro iyon ng mabangis na hayop, Jane. Don't you remember? On our first day?" Napabaling siya sa best friend. "Sinabi ng mga staffs sa tourist house sa atin na mag-ingat at huwag basta-bastang maglakwatsa sa gubat kasi may mga wild animals parin dito. The rabbit has to go."

Wynona gave her an encouraging smile. Nasa loob sila ng tent ngayon. "Thank you Wynie.. at sa tingin ko ay kailangan ko lang magpahangin sa labas para hindi ko na masyadong isipin yung nakita ko,"

"Sasama ka parin sa amin?"

Pupunta kasi sila ngayon sa Tinago Falls ulit dahil huling araw narin nila rito. Tumango naman siya. "I love that place, makakatanggi ba ako?"

"Um.. so, si Kuya Matt ba ang may-ari ng polo na iyan? Isasauli mo ba ngayon?" Nginuso nito ang hawak niyang polo ng binata.

Balak niya sana itong isauli sa pasukan kasi hindi pa ito nalalabahan. She was startled of what she asked her. Maybe she heard Wynona wrong?

"What do you mean?"

"Iyang polo shirt, kay Kuya Matt ba iyan?"

Hindi naman niya alam ang isasagot sa kaibigan, cat got her tongue. She was caught off guard. "Ano kasi.. ano.."

"Jane, it's okay. I'm just worried as your friend, kasi alam mo naman yung tsismis tungkol kay kuya Matt di'ba?" Hininaan nito ang boses.

"I think he's a nice guy.."

"Oh well alam naman natin na gwapo si kuya Matt—"

"I mean he's a nice person."

"You think so?" Napansin niyang umiwas si Wynona ng tingin sa kanya. So she asked her. "Is there something wrong? You can tell me,"

Umiling naman ito at napabuntong hininga. "I'm just worried, Jane. That's it. I truly am, God knows."

Niyakap niya naman ito kagaad. "Alam ko, thank you because you're always here by my side Wynona. I'm very thankful that I have you,"

"I love you bestie, gusto ko lang na mag-ingat ka okay? You know, hindi naman ako tumututol sa inyo kung gusto mo si kuya Matt, kung kayo na, as long as he will not hurt you. As long as he's not a bad person."

"Hey! Don't say something like that a-anong 'kami'? We're just friends,"

"Namumula ka!"

"Tara na nga sa labas! Baka maiwan na tayo!"

They spent hours on Tinago Falls, naligo narin sila rito. Hindi nagtagal ay dumating narin ang ibang students mapa-lower at higher years dahil dito narin daw sila mag-lulunch. It's the last day of their school camping, they made sure to enjoy the day.

"H-Help! Some-o-one help me! PLEASE!"

Everyone turned to look at where the voice was coming from, at sa bungad ng gubat ay nakita nila ang halos gumagapang dito na student. Hindi nila ito mamukhaan dahil naliligo ito sa sariling dugo. But it's a girl.

"D-Dior?! Oh my God!" Someone from them shouted at dali-dali nitong nilapitan ang babae. There was a commotion, inawat sila ng teachers na lumapit sa babae at ang ibang nakatatanda ay nilapitan ang duguang istudyante.

"A-ano'ng nangyayari?" Sinalakay siya ng kaba sa nakita. Muling nagunita ni Jane ang patay na rabbit kanina.

"Teka, Jane siya ba y-yung nakita natin kanina sa gubat? Yung nangolekta tayo ng mga panggatong na kahoy? Yung senior high d-diba lumapit pa siya sa atin kanina?"

The Killer who's Obsessed with MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon