Kabanata 15

13.1K 572 83
                                    

MASYADONG MALAPIT si Matthew kay Jane kaya naman umatras siya mula rito. But it was a wrong move. May natapakan siyang bato sa kanan niyang paa.

"..kuya nalang tutal yun–ahhh!"

Sanhi ng pag-kabagsak niya paupo sa lupa. Jane fell straight down on her butt. At hindi lamang siya ang nagulat sa mabilis na pangyayaring iyon. Mukhang pati ang binata na kasama niya ay hindi rin makapaniwala sa nangyari. Medyo napaawang ang mga labi ni Matthew na nakatingin sa kanya ngayon.

Siya na kaupo sa lupa. That was unpredictable and surprising.

"A-aww.."

Hindi lang ang pang-upo ni Jane ang masakit, Jane felt the palm of her hands are hurting. May maliliit na bato kasi sa paligid at nagasgasan ang kanyang mga palad.

Natigilan siya nang umupo sa harapan niya si Matthew. Niluhod nito ang isang tuhod sa lupa, nakatiklop naman ang isang paa nito at nakapatong doon ang isang braso nito. Hindi ito sa kanya nakatingin sa halip ay marahas nitong hinablot ang mga kamay niya na masakit.

Parehas nilang tiningnan ang mga palad niya na namumula pagkatapos, madumi rin ang mga ito at may mga munting sugat dahil sa mga maliliit at matutulis na bato.

Walang imik na nilinisan ni Matthew ang mga palad niya gamit lang ang kamay nito. Maingat nitong inalis ang dumi sa mga kamay niya. At natigilan dito si Jane at napatingin sa gwapo nitong mukha.

'W-what is he doing?'

Babawiin na sana niya ang kamay kasi nakakahiya pero tinapunan siya ng tingin ni Matthew. And that one look shut her off and scared her to the bone. 'He's scary!'

Hindi alam ni Jane kung maiiyak siya sa kahihiyan o sa sakit, o sa takot kay Matthew.

"What is wrong with you."

Napansin ni Jane na medyo bumaba ang mga kilay ng binata. Mukhang galit ito. Nakapokus parin ito sa paglinis ng mga kamay niya. Namumula ang mga pisngi ni Jane.

Mayroon itong mahaba at magagandang kilay.. dahil sa distansya nila ay nakita ni Jane mula sa sinag ng ilaw ang mahahabang pilik-mata ni Matthew Zalome, maiitim na eyelashes.

Hindi mapigilan ni Jane na matulala sa paghanga. Dinaig pa nito ang balahibo sa mga mata niya. He looks like an angel. But an angel with black wings.

"Do you have a kerchief?" Seryoso nitong tanong sa kanya at nag-angat ng tingin sa kanya.

Ayon na naman ang mga malalalim nitong tingin. And Jane remembered that someone had her hanky, 'Vaughn had it!' natandaan niya. Kaya tahimik nalang siya umiling kay Matthew, nahihiya parin dahil sa nangyari.

'god!' this is really embarrassing! Isip niya pa.

Hindi naman umimik ang binata at may dinukot ito sa bulsa ng pants nito, it was a white and neat-looking handkerchief. Napasunod lamang ang mga mata ni Jane sa ginagawa ni Matthew.

Marahan at maingat na inilagay nito sa palad niya ang puting panyo nito, at kinulong sa gitna ng mga kamay niya. Malambot ang tekstura ng panyo ni Matthew, napalunok pa si Jane dahil mukhang mamahalin pa naman ang panyo nito.

Tapos madudumihan niya lamang.

"Keep it like that." Tanging saad nito saka na ito tumayo.

Dalawang mga palad niya kasi ang may sugat. Kaya nilagay nalang nito ang panyo sa mga kamay niya at pinag-daop palad siya.

Hindi siya nito tinulungan tumayo. At ayaw naman iyon ni Jane dahil sobrang nahihiya na talaga siya kay Matthew. Kaya pahirapan siyang tumayo mag-isa. Natigilan nalang siya nang marinig niya ang pag-tunog ng dila ni Matthew, sunod siyang hinawakan ni Matthew sa baywang niya at tinayo siya.

The Killer who's Obsessed with MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon