Kabanata 18

12.9K 361 54
                                    

(the night before. 12:15AM)

BLANGKO ANG ekspresyon ng taong ito habang nagmamaneho ng kotse nang hating gabi, palayo sa syudad at school camping sa isang madilim at walang katao-taong highway. This person moves the fingers of its one hand slowly on the steering wheel.

Drumming the fingers of its one hand again and again.

This person is alone inside the car, sa loob ng madilim na kotse nito. And in that deafening silence inside, a cellphone broke the silence noong malakas itong mag-ring.

Nagsuot ito ng earpiece at sinagot ang tawag.

"How is it." Walang emosyon ang boses niya saka nagpatuloy nang marinig ang sagot ng kausap sa kabilang linya.

"Gising na sila," May kung ano'ng kumislap sa mga mata niya pagkatapos. "I'm coming. ... Oh, nagwawala ang isa? Irritate him, galitin mo pa."

Hindi nagtagal ang tawag. Mabilis siyang magpatakbo ng kotse at ngayon ay mas binilisan pa nito ang pagpapatakbo. Overspeeding na siya but this person couldn't care less. Not when this person has more important thing to take care off.

Nakarating siya sa isang malaking bahay. Nag-park siya ng kotse sa tapat lang nito saka bumaba at nagtungo sa likod ng bahay kung kailan may bahay din dito, hindi naman kalakihan ito kumpara sa mansyon.

KANINA PA SIGAW nang sigaw si Clay sa galit sa madilim na silid. May isang nakasabit na ilaw lang ito sa gitna nila ni Bryle, the room is dark and empty, only the red rectangular table and their chairs are here. Wala rin bintana ang kwartong ito at mainit sa loob.

May isang lalaking pumasok kanina sa silid, hindi naman nila ito kilala ni Bryle pero bigla nalang sila nito piniringan sa mga mata gamit ng itim na kapirasong tela. Silang dalawa ni Bryle. Wala silang nagawa dahil naka-gapos silang pareho.

"Fvck you! Pakawalan mo ako rito!"

Muli siyang nakaramdam ng malakas na hampas sa katawan niya. Kanina pa siya hinahataw ng matigas na kahoy. Hindi ito nakikita ng binata pero isa itong baseball bat na gawa sa kahoy.

Sapat na para maghingalo siya at lalo itong nakakadagdag ng inis kay Clay.

Siya lamang ang hinahampas ng taong ito. Pinapatahimik kasi siya nito, but the hell Clay will shut up! Parang nawawala na siya sa sarili at nasa isip niya lamang ngayon ang manakit.

Pupunta pa dapat siya sa school camping pero heto siya at nakagapos buong araw at magdamag.

Ramdam na ni Clay ang pag-agos ng dugo niya sa ilong. Mahapdi narin ang katawan niya sa sakit dahil sa sunod-sunod na hampas.

Makalipas ang ilang sandali ay may narinig silang kumatok sa nakasarang pintuan ng kwarto. Tumigil ang humahampas ng baseball bat sa kanya at nagtungo sa pintuan. Sa labas, ay may kumausap ditong lalaki.

"He's here." Sabi nito. Tumango naman ang lalaking may hawak na baseball bat.

Not so long ay dumating na nga ang lalaking tinutukoy nila at diretso itong pumasok sa loob ng kwarto. Blangko ang ekspresyon ng mukha nito at pinamulsa ang mga kamay habang pinagmamasdan ang dalawang bihag nila.

"Take off their blindfolds."

Napatingin ang dalawang kasama niyang lalaki sa kanya. Parehong gulat. Ang akala ng mga ito ay pipiringan ang dalawang nakagapos para hindi sila makita ng kasama niyang dumating. Hindi naman ito umimik, he stayed unfazed with his blank expression.

Sumunod naman ang may hawak na baseball bat at tinanggal ang piring ng dalawa, nagpumiglas pa si Clay. At nang ma-adjust ng mga ito ang paningin nila ay mabilis silang napatingin sa dalawang bagong lalaki dumating.

The Killer who's Obsessed with MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon