PAGKAGAT NG DILIM. Kalalabas lang noon ng binatang si Clay sa ospital. Sapo-sapo niya ang noo na nasugatan kanina at tinahi. He should still stay in the hospital pero mapilit ang lalaki kasi gusto na niyang umuwi.
Napapamura si Clay. Kung hindi sana siya binangga ng kung sinong gago kahapon ay makakapasok pa sana siya ngayon sa school at makita ang dalagang si Jane. Naiirita ang binata. Mabilis niyang tinawagan ang ama.
"Hello?! Dad?! Did you track down that bastard already?! Ipakulong mo yon! Nasira ang kotse ko at nasugatan pa ako sa ulo. Alam mo ba na muntik na akong mamatay hah? Ang mahal ng kotse ko! Kilos-kilos naman dyan tanda!"
Wala itong galang sa ama, nanlilisik pa ang mga mata ni Clay. Galit na galit talaga siya. Hindi lang siya ang napuruhan kun'di pati kotse niya. Ang mahal non! Tapos hindi niya pa nakuhanan ng litrato ngayong araw ang dalagang si Jane na gustong-gusto niya.
Padabog na pumasok sa loob ng bagong kotse niya si Clay. Kulay itim din ito. Tinapon niya ang cellphone niya sa backseat. Mayaman din ang pamilya ni Clay, isang politiko lang naman ang ama niya kaya kagaad siya nagpabili ng kotse.
Binantaan niya pa ang buhay ng ama kung hindi siya nito bibilhan ng bagong kotse.
Kinuha niya ang isa pang cellphone kung kailan naglalaman ng mga litrato ng magandang dalaga. Binuksan niya ito. Higit na tatlong libong (3000) pictures na ni Jane ang nasa cellphone niya ngayon. Pictures lahat to ng dalaga wala ng iba pa.
Magmula Grade 7 pa sila ay nagnanakaw na siya ng litrato ng dalaga hanggang Grade 9 na sila ngayon. Marami pa siya sa bahay nila, may 20 memory cards siya sa bahay na naglalaman lahat ng pictures ni Jane.
Ganito siya kabaliw sa dalaga. Minsan ninanakaw niya pa ang t-shirt at shorts ni Jane sa school locker nito.
Napapangisi si Clay habang pinagmamasdan ang pictures ng dalaga.
"Oh so sexy! You should be mine my baby!" Nanlalaki ang mga mata nito sa pictures na nakikita. Hindi ito nauumay sa dalaga. Tatlong taon na niya itong inii-stalk.
And he's planning something.. this coming days, papainumin niya ng pantulog si Jane tapos dadalhin niya sa bahay nila! Ikukulong niya ito sa kwarto niya. At doon.. magagawa niya ang gusto sa dalaga.
Napahalakhak mag-isa si Clay sa maitim na balak.
Nagmamaneho na si Clay pauwi. Nasa highway na siya na napapalibutan ng kagubatan nang biglang may bumangga na naman sa kanya na kotse.
"BWISET na yan!" Napamura ulit si Clay. Good mood na sana siya. Nauulit na naman ang kahapon.
Nang makita niya sa salamin ng kotse niya kung sino ito ay parehong kotseng itim ito na bumangga sa kanya kahapon!
Halos pumutok ang litid ni Clay sa ulo sa inis. Tinigil niya ang kotse at bumaba. Kinuha niya ang kutsilyo niya sa dashboard ng kotse niya.
Mayro'n siya nito. Dati na siyang nakasaksak ng kapwa niya pero dahil mapera sila ay nagagawan kagaad ito ng paraan.
"Sino ka bang gago ka?!" Padabog niyang sinara ang pintuan ng kotse.
Tumigil din kanina pa ang kotseng itim at bumaba ang isang matangkad na tao rito. Hindi ito maaninag ni Clay dahil nakasuot ito ng mahabang itim na coat hanggang ilalim ng tuhod ng taong ito at may hood sa ulo. Madilim ang mukha nito.
"Ikaw na bwisit ka noong isang araw ka pa! ginagago mo ba ako!" Nilapitan niya ito hawak-hawak ang kutsilyo, itatarak sa taong iyon.
Walang katao-tao sa paligid. Tanging sila lamang dalawa at ang kotse nila ang nasa highway. Walang napapadaan na ibang kotse. Liblib kasi ang lugar na ito kahit na highway.
BINABASA MO ANG
The Killer who's Obsessed with Me
Fiction générale(18+) "B-But you a-are a bad guy.." "Yes. I kill people. I'm a murderer. But I want you Jane Maddison." Malamig na sagot ng binata. Date posted: December 12, 2020 Ctto to the pictures I use in the story. All Rights Reserved 2020