Kabanata 43

5.3K 136 31
                                    

A/N: Tag-ulan samin. Keep safe everyone. And hope your new year was a blast🎆

p.s. I see marami kayong natutuwa kay Clay🤔 & kay Tan haha here is your update

***

FAMILY DINNER, 7:30pm, mula sa labas ng babasaging salamin makikita ang magkapamilya sa isa sa mga sikat na hotel restaurants, pinagsasaluhan ang nakahandang hapunan.

Unang tingin, it's a place for the rich.

With all the fancy dinners, waiters in uniform, elegant people, ang mga nakahilera at nagmamahalang mga kotse sa labas.

May mga pamilyar na mukha rito katulad ng mga aritista, pulitiko, private people, at ibang may ambag sa lipunan. It will take 6 months or so for reservation sa dami ng mga pumupunta sa lugar at para narin sa seguridad ng mga customers.

Here they are, the Napoli and Serrano clans have agreed to merge their business, kaya napagkasunduan na ipapakasal nila ang bawat anak sa isa't-isa.

Timothy will be the one to inherit the Napoli's business, kaya ito ang ikakasal kay Lauren Serrano sa nakatakdang panahon na ipinagpapasalamat ni Clay.

Heck, marriage will be the least that Clay wanted.

Napilitan lamang ang binata na sumama sa family dinner na ito. Clay has been known as the b-stard son of Sr. Napoli kaya hindi niya nakuha ang apelyedo ng ama, he got her mother's surname Richard because he's a mistake that his father committed.

Lumabas na mismo iyon sa bibig ng ama.

Mas mahalaga rito ang reputasyon kaya itinago siya nito sa loob ng maraming taon but Clay doesn't give a d-mn about that.

Sa hapag kainan maririnig ang mahinang kalansing ng mga kubyertos at babasaging baso, ang mga kalmadong usapan.

"Kumusta naman ang pag-aaral mo, iha?" Nakangiting saad ni Sr. Napoli sa dalaga who's sitting across him.

"Na-mimiss ko narin ang mga luto mo sa bahay ah."

Katabi ng Sr. Napoli ang lola ni Clay, Mrs. Napoli.

"Na-busy lang sa mga school events namin, Tito." Sagot ni Lauren.

"Hayaan niyo, ipagluluto ko kayo ngayong linggo. I missed Timothy, and of course na-miss ko rin kayo makasama."

Kinuha ng Kuya Tan niya ang kamay ng fiancē at ipinagsalikop, nagngitian ang dalawa.

Lauren Serrano is currently studying culinary arts, balak nitong mag chef balang araw. Clay doesn't care about her anyway, pero maganda rin ito at makinis. If it wasn't she's always with Tan, isip-isip niya siguro naka-score narin siya rito. She looks innocent like Jane. Pero madalang lang niya rin ito nakikita.

Napatingin siya sa half brother niya na halatang masaya sa buhay nito. But Clay doesn't really believe that.

Ayaw ng kuya Tan niya sa ama nila dahil may alitan ang mga ito.

Hindi na iyon nakakapagtaka sa kanya dahil nangaliwa ang ama nila at siya ang bunga ng pagkakamali nito kuno. Some things can't be just fixed and go back to normal.

But despite that, maayos naman ang pakikitungo nito sa kanya. Pumayag parin si Tan na manahin ang negosyo at magpakasal kay Lauren. At naisip niya rin na mas maswerte siya rito, dahil nagagawa niya ang gusto niya sa buhay. Poor brother. Napapangisi sa sarili.

"How about you, iho?"

Napatigil sa ere ang baso ni Clay. Papa ni Lauren ang nagtanong sa kanya kaya naman lahat ng atensyon ay napunta sa kanya.

The Killer who's Obsessed with MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon