SINUNDAN NIYA ng tingin ang binata na lumabas ng silid. Matthew was so nice to lend his phone. Tapos binigyan pa siya nito ng privacy na makausap ang parents niya. Mabait talaga ito kaya paano siya napagbibintangang masamang tao ng iba?
Anyway kay Wynona kaya nito nakuha ang number ng parents niya? Paano kaya nito nalaman?
"Hello Jane darling?"
Napatingin siya sa hawak na cellphone at mabilis itong pinunta sa tainga niya.
"Mama? Kayo ba ito? Pa'no niyo nalaman ako ang sasagot sa tawag?"
"Kamusta kana riyan anak?"
"That's why I called you I miss you so much mama," Sumikip ang dibdib niya.
"Ang dami ko pong gustong sabihin sa inyo at i-kwento lalo na iyong nangyari sa camping namin-"
Pinutol nito ang sasabihin niya sana. "We miss you too so much honey. Sana okay kalang talaga riyan.. Jane anak, listen to me."
"Everything is settled. The police did their job. Saka nakausap ko si Mr. Reynard. I mean Matthew Reynard. Nabanggit niya na tatawag ka sa amin ngayon.."
"Oh you knew him?"
"Of course baby, sila ang may-ari ng school niyo. Kilala namin din ang pamilya nila,"
"Gano'n po ba." Napangiti siya. Kaya pala alam ni Matthew ang numero ng mama niya. Magkakilala pala ang pamilya nila. Hindi niya alam.
"Okay lang anak na riyan ka muna. Magpakabait ka okay? Take care Jane. We love you so much anak."
"Ho? Mama I miss you all. I want to see you. I love you too mama-"
Bumukas ang pintuan at nakita niyang pumasok si Matthew.
"Si Matthew ba iyan?"
"Ahh Opo,"
"Sige na anak, we love you so much don't forget that. Sige na ibalik mo na ang phone kay Mr. Reynard. N-Nakakahiya. Please behave Princess. Please? Bye darling.."
"S-sige bye po.."
Why is her mama crying? Namimiss na siya siguro nito. Namimiss niya narin naman ito. But something is telling her that something's not right. Nababahala siya sa mama niya. Bakit ito umiiyak? May problema ba sa bahay?
Masyadong maikli yung pag-uusap nilang dalawa. Ni hindi niya nga nakausap ang papa niya. Tumayo siya at sinalubong niya ang binata.
"Thank you for lending me your phone." Sabay abot dito ng phone nito. Somehow she felt relieved na nakausap niya ang mama niya.
"Happy now?"
Nagtataka lang siya sa sinabi nito kanina. Okay lang anak na riyan ka muna. Magpakabait ka. Akala ba niya na-mimiss na siya ng mga ito?
"I miss them.." Wala sa sariling nasambit niya. Napayuko siya pero nag-angat din ng tingin sa kausap. "But I'm happy na nakausap ko si mama."
"Good.." Lumapit ito sa kanya at sinabit ang nakatakas niyang buhok sa likod ng tainga niya. The tip of their feet almost touch each other.
"Matthew? Can I ask you something?"
Tumango lamang ito.
Tuluyan nitong inayos ang buhok niya. Masuyong hinahawi ang mga baby hair niya na wala sa ayos. Hindi nito alam ang epekto ng kilos nito sa kanya. It makes her heart beat insanely fast! Na kailangan niya pang kalmahin ang puso para hindi ito makahalata.
BINABASA MO ANG
The Killer who's Obsessed with Me
Ficción General(18+) "B-But you a-are a bad guy.." "Yes. I kill people. I'm a murderer. But I want you Jane Maddison." Malamig na sagot ng binata. Date posted: December 12, 2020 Ctto to the pictures I use in the story. All Rights Reserved 2020