Kabanata 33

9.3K 389 31
                                    

NAPATINGIN siya sa best friend. Wynona is anxious, nakita niya rin ang takot sa mga mata nito."Jane, dito kalang please?"

"Wynie bakit may mga pulis? Ano ba'ng nangyayari?" Malakas ang tahip ng puso niya. At masama ang kutob niya.

May sinasabi pa ang mga kasama niya pero hindi na niya ito pinagtuunan ng pansin.

"Jane please no..! Don't you dare go outside!"

Bago pa siya makasagot ay umandar na ang sasakyan nila at humarurot na ito paalis. Nanlaki ang mga mata niya.

"May hindi tama. May hindi kayo sinasabi sa akin. Kuya!" Hindi parin siya nag-paawat.

"Princess.. nakalimutan mo na ba yung phonecall natin kanina?" Nakalingon sa kanya ang kuya niya mula sa harapan.

Natahimik siya at napatitig siya sa kapatid. She remembered her brother said something that they're going to get her. Right.. The phonecall this morning.

Parang nahimasmasan na siya, may nabuo na ideya sa isipan niya sa nangyayari pero ayaw niya iyon isipin. Parang may hinala na siya pero hindi niya gusto ang ideyang pumapasok sa isipan niya.

Bakit ganoon? Bakit ang bilis ng pangyayari?

Kanina lang, no, kagabi pa na halos hindi siya makatulog sa kakaisip sa kilos ni Matthew. Tapos yung phonecall.. and this..

Napalingon siya sa mansyon na unti-unti nang nawawala sa paningin niya. Unti-unti na nila itong nalilisan palayo, palayo sa mga naging ala-ala niya. Palayo kay Matthew..

"Is this about him..?" Nanginig ang boses niya. Tinanong niya iyon kahit na naghihinala narin siya.

But maybe.. at that moment she wanted to hear otherwise. Is this a joke? A prank?

Halos maibulong niya lang iyon sa sarili pero dahil tahimik sa loob ng kotse ay rinig na rinig iyon ng mga kasama niya. May mabigat na emosyon sa dibdib niya habang paunti-unting nawawala ang tanaw niya sa mansyon.

Hindi na niya namalayan ang pagtakas ng butil ng luha sa pisngi niya.

Three days passed..

NAALIMPUNGUTAN siya at nagising sa sariling silid niya. Nang bumangon siya ay tumama ang sikat ng araw sa nakaawang na kurtina. It's morning. At first, Jane was confused. Nang saka niya napansing may nakaupo sa tabi ng higaan niya.

Kuya Shiloh? Mahimbing ang tulog nito habang nakasandal sa kinauupuan. Bumaba ang tingin niya sa pamilyar na hawak-hawak nitong story book. It's her favorite story book simula noong mga bata pa sila. Beauty and the Beast.

Bumaba siya sa higaan para gisingin ang kapatid. Halos mahilo siya sa pagkakatayo. Mukhang mahaba ang naitulog niya. Jane didn't know how much time passed either.

Her brother groaned, noong una ayaw pa nito magising pero nang mapatingin ito sa kanya ay bigla itong napatayo kamuntikan pang matalisod.

"Ok kana ba? Tatawagin ko lang sina mama at papa saglit."

Pero bago ito lumabas ay kung ano-ano pang tinanong nito sa kalagayan niya.

Nakaawang noon ang pinto at narinig siguro ng mga tao sa bahay nila ang usapan nilang magkapatid, kaya pumasok narin ang mga ito at binulabog siya.

Muntik pang ipatawag ang family doctor nila pero tumanggi siya sa mga magulang at sinabing okay narin siya. Ang saya-saya ng mga ito habang kinakausap siya. Tulog pala siya ng higit dalawang araw na mula nang makauwi siya sa bahay nila.

At gulat na gulat siya nang marinig ito.

"Kuya are you okay?"

Pansin niyang may eyebags na kasi ito, eh wala naman ito noon. "Natutulog ka ba nang maayos? And why do you have my story book?"

The Killer who's Obsessed with MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon