Kabanata 2

24.5K 551 1
                                    

MULA SA SINUSULAT ay muling napasulyap si Jane sa suot na relo. Tahimik sa loob ng classroom nila. Maririnig ang bawat pagguhit ng chalk ng teacher nila sa blackboard sa sobrang tahimik. Kasalukuyan silang nagkaklase ngayon, their teacher is writing something on the board at tahimik silang lahat na mag-classmates na nag-tatake note.

May sinasagutan sila ngayong task. Kinakabahan ang dalaga, hindi dahil sa mahirap ang task nila kun'di dahil sa binabalak niyang pagpunta sa classroom ng mga senior high. Sa sobrang kaba ay halos naririnig na niya sa isipan ang paggalaw ng kamay ng kanyang relo, tumulo ang malamig na pawis sa noo ni Jane na kanyang pinunasan din.

It will be her first time na pumunta roon, nang mag-isa, at gawin ang binabalak niya. She could just make up stories to Wynona so that she can go alone. Jane thought. Overprotective din kasi ang matalik na kaibigan niya, at may dahilan iyon kaya ganoon ka-overprotective sa kanya ang mga taong malalapit sa kanya..

Ayaw ni Jane na madamay ang best friend niya sa binabalak niya. Nakagat ng dalaga ang ibabang labi. Hindi niya alam na may titig na titig sa kanyang kaklase nila, nanlalaki ang mga mata nito sa kanya at nakita pa nito ang pagkagat ng dalaga sa mapula-pulang ibabang labi nito. Natural iyon at sadyang mukhang kaylambot.

Malisyosong napadila ang kaklaseng lalaki ni Jane sa nakita. Matagal na nitong pinagnanasaan ang dalaga.

Habang papatagal na nagdadalaga na ito ay mas lalo lamang itong gumaganda. Ang dami niya ngang kuha ng litrato nito.. nang hindi nito alam. Parang baliw na napangisi ng palihim ang lalaki. Kung ano-ano'ng masasama ang tumatakbo sa isip nito. At walang kamalay-malay si Jane dito.

The school bell suddenly rang that almost gave Jane a heart attack. Nakakabingi ang tibok ng puso niya sa dibdib. Kahit na ano'ng gawin niyang pagkalma sa sarili ay kinakabahan parin talaga siya. Napapakagat na lamang ang dalaga sa sariling labi, namamawis na ang mga palad niya sa nerbyos.

"Jane?" Napaangat siya ng tingin sa matalik na kaibigang si Wynona.

"Y-Yes? W-Wynie?"

"Inutusan ako ni ma'am Evelyn na pumunta sa library. Saglit lang ako okay? Hintayin mo lang ako sa canteen, promise saglit lang talaga."

Natawa ang dalaga. "A-ano ka ba, para namang may mangyayaring masama sa akin sa canteen."

"Wala nga ba? Malay ko ba na baka matumba ka bigla, matapilok tapos mabibinat ang paa mo."

"Don't be silly Wynie, matanda na ako at kaya ko na ang sarili ko. Saka marami namang tao sa canteen,"

Pero nag-aalala paring nakatingin sa kanya si Wynona. Ayaw na ayaw nitong iniiwan si Jane sapagkat dati ay lagi itong nabu-bully at naaapi. Sa sobrang bait ng dalaga ay hindi na nito napapansin na inaapi na siya ng kapwa nito. Pero nakangiti parin ito.

Wynona knows Jane so well, she's not stupid. She's just too kind to other people and those people took her for granted. And she wants to protect her best friend at any cost.

"Promise. Mag-aala-Flash ako patakbo sa library natin, at ano rin-"

Hindi na siya pinatapos ni Jane magsalita at natatawa itong tinulak-tulak na siya palabas ng klase nila.

"Yeah yeah right, Wynie. I will wait for you."

Bago pa makaalis si Wynona ay may napansin siyang kaklase nilang lalaki na titig na titig sa kaibigan.

'He's so creepy, ano ba yan' Isip ni Wynona. 'Dukutin ko mata niya eh' Dugtong anya.

Paano? Kung makatitig ay parang nangangain? Sheez. Napatingin ito sa kanya at nag-iwas ng tingin.

Parang naman nabunutan ng tinik sa dibdib si Jane nang makaalis ang best friend niya. Seems like the luck is on her side today, hindi na niya kailangang magpalusot at magsinungaling sa kaibigan. Oh God, she can't lie and she's not a good liar.

Saka tandang-tanda pa ng dalaga ang bilin ng ama na huwag magsinungaling kasi masama. And the girl heed to the advice of her father since then, like a good girl she is.

"Hi Ms. Maddison!"

"Hello Jane!"

"Hi ading, ang cute cute mo omgg!"

Nangingiti niyang tinutugon ang mga senior high students na nadadaanan niya sa bukana ng building at bumabati sa kanya.

"Hello po mga ate, kuya, good morning," Mahinhin niyang pagbati. Talaga namang malumanay ang boses ng dalaga na mas lalo lamang ikinakaantig ng mga taong humahanga rito.

Hindi alam ni Jane pro pakonti nang pakonti ang mga students sa paligid habang tinatahak niya ang classroom ng Grade 12. It's their school's break time, recess. Naisip ni Jane na siguro tumungo halos lahat ng mga ito sa canteen. Nasa kabilang building pa itong senior high. Habang papalapit siya sa destinasyon ay mas lalo lamang lumalakas ang kabog ng puso niya sa dibdib.

Naroon ang pag-alala at takot sa kanyang inosenteng mga mata, ninenerbyos niya ring pinaglalaruan ang mga daliri sa kamay.

Pero mabuti nang konti lang ang mga senior high, magtatanong-tanong lang naman siya tungkol sa nangyayaring krimen. Why Grade 12 students? Somehow, Jane wanted to confirm something.

And she wanted to see the one of the owner of their university, Matthew. If Jane wanted the truth, then she would go straight to Matthew's classmates.

It's silly at masyado siyang nagpapadalos-dalos. Pero buo na ang loob at desisyon ng dalaga.

She could just ask Matthew directly. Nakagat niya ang labi. 'Of course not!' Pagkontra ng kanyang isipan. Imaging talking to Matthew was overwhelming, siguro ay mangingisay siya sa takot. Sana naman ay wala ito sa classroom nito.

Kilala niya sa itsura ang malapit nitong kaibigan, hindi naman siya sigurado pero tatlong beses na niyang nakitang magkasama ang dalawang lalaki kaya naisip niya na ito na lamang ang tatanungin.

'Kumpara kay Kuya Matthew mukhang mabait naman siya' Napatango pa sa sarili ang dalaga sa naisip. Higit sa lahat ay mahiyain din siya. Kaya ganito na lamang ang kaba niya ngayon.

Sana naman ay hindi siya atakehin ng kaba ngayon at mangisay na lamang.

Huminga siya nang malalim nang tumigil sa tapat ng nakasarang classroom ng Grade 12. All rooms are AC kaya sarado ito. Her shoes made a clicked sound when she stopped at the front of the door.

Sumilip muna siya sa salamin na nasa pintuan kung kailan nakikita niya ang mga tao sa loob. Konti lamang sila. 'At walang Matthew' nagdiwang si Jane sa loob-loob niya at medyo lumakas ang loob, dahan-dahan niyang binuksan ang pinto at sumilip sa loob.

The Killer who's Obsessed with MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon