001

42 2 0
                                    

SARILI

Sariling nagmistulang word puzzle,
Hindi kumpleto at may nawawala.
Sinusubukang hanapin,
Ngunit hindi matagpuan.

Kasagutan.
Mga kasagutan sa aking mga katanungan na walang kabuluhan.
Mga tanong na hindi ko matukoy kung ano.
Hinahanap ngunit walang napapala.

Sumisigaw.
Tumatakbo.
Naghahanap.
Ngunit napahinto ng mapagtanto ang ginagawa.

Ano ang aking ginagawa?
Ano ba ang aking hinahanap?

Isang luha ang pumatak ng makilala ang hinahanap.
Hinahanap ang nawawalang sariling kaluluwa.

Lost.

~ 08/02/20

Her 2020 PoemsWhere stories live. Discover now