004

24 1 0
                                    

Nanay

Isang nanay na maalaga.
Isang nanay na mapagmahal.
Isang nanay na masiyahin.
Isang nanay na palangiti.

Isang nanay na walang katulad.

Nasaan ka?
Ika'y aking hinahanap.
Ako'y nangungulila.
Hinahanap hanap ang mga yakap't bisig mo.

Hinahanap hanap ang mga
sigaw at pananabik mo sa tuwing
kami'y bumibisita.

Hinahanap hanap ang mga
halakhak at ngiti mo sa tuwing
ako'y nagbibiro.

Hinahanap hanap ang mga
yakap't halik mo sa tuwing
ako'y paalis na.

Ngunit sa pagalis ko'y
kasabay ng pagtulo ng mga luha ko.
Sinisi ang sarili kung bakit ako'y umalis.
Kung sa pag alis ko'y siyang wawasak sa puso mo.

Kung sa pag alis ko'y wala ka na pagbalik ko.

Hindi ako makahinga.
Sa tuwing sumasagi sa isipian ko ang
umiiyak mong mukha.
Nagmamakaawa na ako'y bumalik na.

Napatanong sa sarili,
'Bakit ako umalis?'
At... 'bakit hindi mo ako hinintay?'

Bumalik ako,
Ngunit bakit ako'y hindi mo hinintay?

Pero ako'y napahinto
ng makapag isip.

Ika'y nanghihina na.
Ika'y may karamdaman.

Ngunit ako'y hindi bumalik
sa mga panahong ika'y nahihirapan.
Ako'y kailangan mo,
Ngunit ito'y binalewala ko.

Patawad...
Kung wala ako sa tabi mo.
Kung hindi ako bumalik kaagad.
At kung ika'y binalewala ko.

Tunay ngang nasa huli ang pagsisisi,
Hindi ko alam na sa puntod mo na ang muli nating
pagsasama.

Sana'y ika'y masaya at nakangiti sa alapaap,
pangakong ika'y mananatili sa aking puso't isipan.

Huling paalam,
Nanay.

~ 08/04/20

Her 2020 PoemsWhere stories live. Discover now