003

30 1 1
                                    

AMA

Amang aking minamahal.
Amang aking yakap yakap.
Amang aking kakwentuhan.
Amang aking ka-hawak kamay.

Ako'y napahinto ng maramdaman
and luhang dumaloy sa aking pisngi.
Napagtantong mga imahinasyon
lamang ang mga iyon.

Mga imahinasyong imposible
kong makamtan.
Mga imahinasyong hanggang imahinasyon
ko lamang.

Sumikip ang aking dibdib ng
sumagi sa aking isipang hindi ko iyon mararanasan.
Nakakalungkot isipin na ako'y
hanggang tanaw lamang.

Ika'w lumayo,
Ngunit Ika'y nangako.
Mga pangakong pinangatawanan ko.
Mga pangakong naglahong parang bula,
Katulad ng pag ibig mo sa aming nawala na.

Pumiki't ako't nanalangin.
Hiniling na sana'y ika'y nasa
maayos na kalagayan.
Hiniling na sana'y ika'y  masaya,
Kahit sa piling ng iba.

Puso't isipan ko'y nagtatalo.
Mga mata ko'y pagod na.
Mga bibig kong napipi na.
Mga paa kong hindi makalaya.

Gusto kong sumigaw.
Gusto kong magalit.
Gusto kong lumapit,
at isigaw ang mga salitang...

' Ang Daya Mo! '

Paano mo nagawang mang iwan
at humanap ng iba?
Paano mo nagawang mangako sa mga bagay
na imposible mong magawa?

Isip ko'y naghahanap ng hustisiya,
ngunit ang puso ko'y nagsasabing 'hayaan ko na lamang'.
Isip ko'y nagsasaking 'hindi kita kailangan',
Ngunit puso ko'y nagsasabing 'kailangan ko ng isang ama'.

Mga salitang hanggang salita ko lamang.
Katulad ng mga pangako niyang hanggang doon na lamang.

Ako'y isang anak na nangangailangan
ng yakap mo.
Ako'y isang anak na nangangailangan
ng isang tunay na Ama.

Isang tulang aking ginawa
para sa kanya.
Isang tulang puno
ng emosyon.

Gusto ko lamang sabihin na...
Patawad.

~ 08/03/20

Her 2020 PoemsWhere stories live. Discover now