NAKARAAN
Akala ko ba’y wakas na ang lahat?
Ang mga kwentong kinalimutan ko na’t pinatawad.
Nakaraang animo’y isang krimen,
At sila ang may sala.Binabangungot at pilit bumabalik sa aking alaala,
Mga nakaraang umiikot sa aking reyalidad.
Mga pagkakasala at alitan noo’y bakit akin pang naririnig?
Mga pangyayaring pakiramdam ko’y aking kasalanan.Pumikit ma’y dumilat,
Nakaraan lamang ang umeeksena na animo’y sirang plaka.
Mga salitang lumabas.
Sigawang pilit humihingi ng katarungan.
Mga minimithing pilit inaabot.
Mga luhang tumulo noo’y bakas pa rin hanggang ngayon.Tapos na.
Wakas na.
Nasa dulo na.
Ngunit naalala ko’y ang nakaraan ay mananatiling nakaukit sa aking puso’t isipan.
~11/28/20
.
YOU ARE READING
Her 2020 Poems
PoetryThis is Her Poems Compilation. You will see on her poems her emotions, falls, and trials she had in this year (2020). Written By: Ashia_Ashna