Maskara
Mahirap itago ang bagay
na kailangang ilabas.
Mahirap ilihim ang bagay
na gustong lumabas.Luha'y gustong tumulo,
Ngunit labi'y kumukurba.
Hagulgol ay gustong lumabas,
Ngunit halakhak ang lumalabas.Mga mata'y nakamasid sa harapan,
Mga tao'y nagtatawanan sa biro kong isinaad.
Mga tenga'y nakikinig,
Mga tao'y sinasabing ako'y mahina.Ilong ko'y inaamoy,
Mga budhi nila'y nangangamoy.
Labi kong nagsasalita,
Ngiti ko'y hindi nawawala.Ngunit ito'y maskara lamang.
Nililinlang kayo sa madilim kong likuran.
Ako'y may itinatago,
Lihim ng nakaraan.Maskarang nagmistulang
disenyo sa aking mukha.
Madla'y natutuwa sa
mapagpanggap kong anyo.'Ilabas mo'
'Ipakita mo'Bulong ng aking matalik na kaibigan.
Sinabi'y ako'y magpakatotoo.Tinanggal ko ang maskara.
Nakita ang matalik kong kaibigan.Siya'y masaya at nakangiting
tunay sa akin.
Ako'y natuwa ng makita siyang muli.Napagtantong ako
ang aking matalik na kaibigan.~08/04/20
YOU ARE READING
Her 2020 Poems
PoetryThis is Her Poems Compilation. You will see on her poems her emotions, falls, and trials she had in this year (2020). Written By: Ashia_Ashna