014

16 0 0
                                    

Karera

Sa karerang aking pilit nilalampasan,
Karerang hindi ko alam ang patutunguhan.
Sa bawat hakbang,
Ay ang pagtusok ng mga salita nilang ako'y mabagal.

Pilit nilalabanan ngunit saan kukuha ng lakas.
Natutumba.
Nadadapa.
Nahihirapan.

Saan ba ako patungo?
Tinatanong ang sarili,
Kung kaya ko pa ba?

Ngunit napatigil ng makakita ng pagpipilian.
Dalawang daanan.
Dalawang pagpipilian.

Titigil o tutuloy?
Susuko o ilalaban?

Mga tanong na kahit anong ipilit
ng aking isipan na huminto na,
Ang puso ko ang mananatiling mananaig
na nagsasabing lumaban pa.

~ 11/04/20

Her 2020 PoemsWhere stories live. Discover now