006

19 0 0
                                    

Manunulat

Ako'y isang manunulat.
Manunulat na walang Taga basa.
Manunulat na walang Taga suporta.
Manunulat na simple lang.

Ako'y pumikit at sandaling
nag-isip.
Mga imahinasyo'y nagpaikot ikot
sa isipan ko.
Nagmulat at kumuha ng
panulat at blankong papel.

Wala sa sariling hinayaan
ang sariling kamay na magsulat.
Bawat letra'y may emosyon.
Bawat istorya'y may nalilikhang karakter.
Bawat tula'y may magandang ritmo.

Sa oras ng sakuna,
Panulat at papel ay nakahanda.
Emosyon at Imahinasyo'y,
nakapalibot sa kanina'y blankong papel.

Ako'y napangiti't natuwa,
Nang makita ang sariling gawa.
Huminto at nanalangin,
humiling na sana'y may magbasa
sa aking mga isinulat.

~08/07/20

Her 2020 PoemsWhere stories live. Discover now