013

13 0 0
                                    

Unique

Sabi nila, ang mga tao'y may iba't ibang katangian.
Ang iba'y masipag, ang iba'y hindi.
Ang iba'y matangkad, ang iba'y hindi.
Ang iba'y maputi, ang iba'y hindi.

Sabi nila, Kumilos ka sa gusto mo.
Magsalita ka ng kahit anong gustuhin mo.
Pumunta ka sa matipuhan mo.
Sabi nila, magpakatotoo ka.

Pero nung kumilos ako, pinuna ako.
Nung nagsalita ako, manahimik daw ako.
Nung umalis ako, hinusgahan ako.
Nung nagpakatotoo ako, magbago daw ako.

Nakakalito. Nakakainis, Magulo.
Iniisip kung pano ba mamuhay ng payapa.
Iyan ba ang dapat na kumalat sa mundo?
Ito ba ang dapat na maging kaugalian ng tao?

Tayo'y nagkakasala.
Lahat ay nagkakamali.
Iyan dapat ang tumatak sa mga isipan ng bawat isa.

Lahat tayo'y orihinal.
May iba't ibang ugali,
Ngunit iisa lamang ang lumikha.

You're Unique,
You just need to Respect others
To have Peace.

~09/06/20

Her 2020 PoemsWhere stories live. Discover now