010

16 0 0
                                    

Paano kung?

Ako'y hinihila,
hinihila ng mahihigpit na kadeana.
Bibig kong nawalan ng boses,
Sa isipan ay humihingi ng saklolo.

Sa isang iglap,
Nahigop na ako ng madilim kong nakaraan.
Binalot ng kadiliman at kalungkutan,
Walang nakita kundi ang mga hagulgol ng nakaraan.

Pumikit ako't tinakpan ang tainga,
Hiniling na sana'y ako'y isang bingi't bulag.
Upang hindi makita ang makaraang
pilit kong nililimutan.

Mga iyakan at hagulgol,
Pati ang mga katanungang pilit
kong hinahanapan ng kasagutan
ay nagsimulang mag ingay sa aking isipan.

Mga katanungang, 'Bakit?'
Bakit walang liwanag sa aking nakaraan?

Mga katanungang, 'Paano kung?'
Paano kung hindi siya kumaliwa?

Ngayon kaya'y masaya kami?

~08/21/20

Her 2020 PoemsWhere stories live. Discover now