AMA
Ilang buwan na't ikaw parin ang paksa ko,
Madalas sumasagi sa isipan na ikaw ang hanap ko.
Paanong makakalimutan ang taong nanakit sayo?
Ngunit siya ring taong bubuo ng kulang sa iyo.Isang linggo na ang lumipas,
Nananahimik kung sino ang unang manunuyo.
Hindi ako namimilit,
Ngunit kung ika’y wala ng paki ay pwede bang deretsuhin mo na?Sa buong pagsasama natin,
Mga pangako mo’y mananatiling pangako.
Hanggang kailan aasa,
Kung sa tingin ko’y iba na ang pinaguukulan mo ng pansin.Sa pagitan nating dalawa,
Mayroong malaking nakaharang.
Nakakalito.
Nakakabahala.
Ano ba ang iyong plano?Kung ika’y napipilitan lamang,
Maaari bang pakisambit upang kami’y tumigil sa isang pursiyentong pag asa na kami’y iyong binibigyang pansin?
~11/29/20
YOU ARE READING
Her 2020 Poems
PoetryThis is Her Poems Compilation. You will see on her poems her emotions, falls, and trials she had in this year (2020). Written By: Ashia_Ashna