002

31 2 0
                                    

TAGO

Mga salitang animo'y walang katapusan.
Mga tanong na nagpaikot-ikot sa aking isipan.
Mga taong nagtatawanan sa aking harapan.
At mga kasagutang pilit kong kinakapa.

Sa kadilima'y walang makita,
Ni anino'y iniwan ako.
Mga luha'y  walang katapusan.
Mga ngiti'y naglaho na.

'Nasaan ka?'

Ako'y kinilabot at nagtago.
Nanginginig at pilit itinatago ang sarili.
Napapikit at napatakip sa tainga.
Ng muling narinig ang katanungan kung nasaan ako.

Mga salitang ako'y binubulyawan.
Mga tanong na walang kasagutan.
Mga taong pilit kong iniiwasan.
Mahina't walang lakas, kaya't pinili kong magtago kaysa lumaban.

~08/02/20

Her 2020 PoemsWhere stories live. Discover now