SINO?
Isang proyektong hindi ko akalaing sisira ng ating pagsasama,
Sa unang bungad ng iyong mensahe’y akalain mong ikaw ang unang bumati?
Akala ko’y mabuting balita ang iyong sasambitin,
Ngunit paano mong nagawa na ako’y iyong batiin upang iyong diktahan?Paano ko sasabihin na natutuwa ako sa ating paglalapit,
Kung ang tingin mo saki’y nagsisnungaling.
Ako ba ang nagsisinungaling,
Kung sa ating dalawa’y ikaw ang unang nagkasala.Ako ba’y iyong mapapatawad sa munting pagkakamali?
Kung ikaw’y una ko ng napatawad sa kasalanan mong paulit ulit akong sinasaksak.Masisisi mo po ba akong humingi ng atensyon at oras,
Kung ang mga kadugo ko diya’y iyong pinaghahainan ng pagkaing ikaw ang nagluto.Pera at regalo’y hindi ko hinihingi,
Ngunit bakit sa isip ko’y iniisip mong iyo’y aking habol.
Sa ating dalawa’y sino ang may sala?
Akong iyong kinakagalitan o ikaw na pilit kong nilalapitan.
~11/28/20
YOU ARE READING
Her 2020 Poems
PoetryThis is Her Poems Compilation. You will see on her poems her emotions, falls, and trials she had in this year (2020). Written By: Ashia_Ashna