011

16 0 0
                                    

Panganay

Panganay ang siyang dapat na manguna.
Panganay ang siyang dapat na maunawain.
Panganay ang siyang dapat na marunong sa lahat.
Panganay ang siyang dapat na Tularan ng mga Bunso.

Paano nga ba dapat magampanan ang isang Panganay?

Dapat matatag ka.
Dapat malakas ka.
Dapat alam mo lahat.
Dapat... kaya mong indahin lahat ng sakit.

Bilang isang panganay,
Mahirap gawin ang mga 'Dapat'
Ito ang pinakamahirap Gampanan,
Dahil kung may problema ikaw ang mangunguna.

Paano mo masosolusynan ang problema?
Paano mo mapoprotaktahan ang mga bunso mo?
Paano mo gagawin ang mga bagay
kung pagod ka na?

Maraming 'Paano',
Pero iisa ang mahirap sagutan.

Paano mo magagawang maging malakas kung
pagod kana?

Dahil bilang panganay,
Ikaw ang pinagkukuhanan ng lakas
ng mga kapatid mo.

Kaya kapag pagod kana,
kailangan mong humanap ng lakas,
para sa mga kapatid mo.

At iyon ang pinaka mahirap na 'Dapat'

~08/22/20

Her 2020 PoemsWhere stories live. Discover now