009

16 0 0
                                    

Paano?

May mga bagay na alam mo
na hindi nila alam.
May mga taong kilala mo
na hindi nila kilala.

Paano mo itatanong ang tanong
na walang kasagutan?
Paano mo hahanapin kung
wala namang nawawala?

Walang nakakaintindi,
katulad ng mga salita kong
walang kabuluhan.

Nagkabuhol-buhol ang mga
salita sa aking isipan,
Hindi mawari at gustong lumabas.

Paano?

Paano ko mailalabas ang mga salitang
ako lamang ang nakakaintindi?

~08/21/20

Her 2020 PoemsWhere stories live. Discover now