Piling
Ako'y nasasabik na makapiling siya,
Nauuhaw sa kanyang atensyon.
Natutuwasa tuwina'y ika'y aking nakikita.
Nahahawa sa mga ngiti mong tunay.Ako'sandaling nagbalik nakaraan,
Nakita ang ating malalabong ala-ala.
Ala-alang hiniling ko na sana'y maulit pa.
Kahit sandali.Ako'y nagbilang,
Nagbilang kung gaano na akong katagal naghihintay.
Naghihintay na ika'y bumalik,
Ngunit natigilan ng mapaisip kung may plano
ka pa bang bumalik.Gayong ika'y masaya na sa piling ng iba.
Tumakbo ako patungo sa iyo,
Ngunit napahinto ng humarang ang isang malaking pader.
Hinahadlangan na ako'y makapunta'r
makasama ka.Pilit kong winawasak ang namamagitan sa atin,
ngunit sadyang ako'y mahina upang ika'y makamtan.
Napatigil ng maramdaman ang mainit na likido sa aking pisngi,
Ika'y aking natatanaw sa kabilang destiasyon,
kasama ang amilya mong ika'y sinasakal.Iyong tinanggal ang maskara,
Aking nakita ang lumuluha mong mukha.
Pilit na kumakawala sa mga kadenang nakakabit,
upang makapunta sa aking gawi.Gusto kitang puntahan at yakapin,
ngunit sadyang may mga bagay na hindi pwedeng
pagsamahin.~08/08/20
YOU ARE READING
Her 2020 Poems
PoetryThis is Her Poems Compilation. You will see on her poems her emotions, falls, and trials she had in this year (2020). Written By: Ashia_Ashna