Maren's POV."Ma, pasok na po ako." Paalam ko kay Mama bago lumabas sa maliit at masikip naming bahay
Hinintay ko yung grab car na pwede kong sakyan, hindi ako sumasakay sa jeep dahil alam ng buong school ay isa akong mayaman.
Maganda naman ako at Matalino, hindi nila iisipin na sa isang maliit at masikip na bahay ako nakatira.
I have this long time crush na gustong gusto ko, His name is Leo. Ewan ko ba kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin niya ako gusto, masyado kasi siyang cold hearted at maraming arte sa mundo.
Inabot ko ang bayad ko sa grab car driver at bumaba na ng kotse.
"Oh, ang ganda ni Maren palagi."
"Bagong kotse nanaman,"
"Ang yaman, talaga.."
Nginitian ko lang sila bago mag patuloy sa pag lalakad, Masyado yata akong sikat para pagtuunan sila ng pansin.
Nang makapasok ako sa builing ng mga senior high ay agad na tinahak ko ang daan patungo sa classroom namin, Nakipag usap ako sa mga kaibigan ko tungkol sa mga bagay bagay.
"Maren," tinig iyon ni Leo
"Yes?" Naka ngiti kong tugon
"Let's talk." Usal niya dahilan ng pag ugong ng classroom, maraming kinikilig ang iba naman ay inaasar kami.
"Sure," ngumiti ako sa kaniya bago tumayo at sundan siya sa paglalakad
Dumiretso siya sa isang bakanteng hallway, kung saan walang estudyante ang mapapadpad dahil restricted area ito.
"How did you get in this school?" Tila napako ako sa kinatatayuan ko ng 'yon ang lumabas sa bibig niya
"Leo, come on! I'm rich, natural na makakapasok ako dito ng walang kahirap hirap." Usal ko
"Bakit nag sisinungaling ka?" Ngumisi ito at hinawakan ang balikat ko "Hindi ka mayaman, kasinungalingan lahat ng sinasabi mo sa mga tao dito sa school." Asik pa nito
"Kaya nga ayaw kitang patulan e, kase sinungaling ka." iniangat nito ang mukha ko dahilan upang mag-salubong ang mga mata namin
"You're not belong here, Pang mayayaman lang ang school na 'to. Yung mga kaibigan mo? Let's see what they're gonna do 'pag nalaman nilang sa isang squatter ka lang naka tira."
"A-Aray ko," usal ko ng higitin niya ang pulsuhan ko at hilahin ako pabalik sa classroom
"Makinig kayo," panimula ni Leo
"Leo, ano'ng ginagawa mo?" tanong ni Kianna, isa sa mga kaibigan ko at pinsan ni Leo.
"Leo, Please 'wag mong sabihin." Pakiusap ko
"Alam niyo ba na si Maren Madriaga ay isang sinungaling?" Napuno ng bulungan sa loob ng silid.
"Hindi siya mayaman katulad ng inaakala niyo, mahirap pa siya sa daga." Mahinang tawa ang lumabas sa bibig ni Leo
"Sinungaling si Maren, kung gusto niyo ng pruweba pumunta kayo sa gymnasium. Makikita niyo lahat."
Binitiwan ni Leo ang pulso ko at naunang lumabas ng classroom, kasunod ang mga kaklase ko.
"Kianna, may alam ka ba dito—"
"I was the one who planned this, Sobrang halata ka kasi. First, you never let us visit your house. Second, You keep bragging about your wealth. So I decided to follow you, too bad hindi ako naka sama sa family vacation namin sa Hawaii dahil sa pang s-stalk ko sa'yo. Worth it naman." Ngumisi ito at binangga ang balikat ko bago sumunod sa labas
YOU ARE READING
That Poorita Girl
Teen FictionMaren Madriaga is an 18 year old girl who have a gifted brain, Her looks can also slay.. but she lacks on wealth. Her mother is a 'kakanin' vendor and she is ashamed because of that. Everyone thinks that their family is rich because that's what she'...