Kung ikaw ba ay magiging isang tauhan sa libro maspipiliin mo bang maging bida o kontrabida? Kung ang pagganap mo naman ay kapalit ang mabigyan ka ng tatlong kahilingan? Ano ba ang maspipiliin mo ang pag ibig o ang itinalaga sayo? Ito ay kwento ng dalawang matalik na magkaibigan na sabay na makakapasok sa loob ng librong "Ang Misteryong Alamat". Ang Misteryong Alamat ay sumasagisag sa isang babae na pinagkalooban ng iba't ibang kapangyarihan matapos siyang italaga bilang Hirang ng isa sa apat na bathaluman na nangangalaga sa daigdig ng Misala. Nakuha niya ang kanyang tatlong kahilingan matapos niyang matipon ang pitong tagapagtanggol at matagumpay na matawag ang bathaluman. Subalit ang Misteryong Alamat ay isang orasyon. At kung sino man ang babae na makapagbasa ng libro ay hihirangin at mabibiyayaan na katulad ng babae sa misteryong alamat. Sa sandaling ang unang pahina ay mabuksan magsisimula ang alamat at mabibigyang buhay ang bawat tauhan.
45 parts