Hindi sukat akalain ni James Dwight na dahil sa pagtatapat niya sa kanyang nararamdaman ay ang magiging dahilan ng paglayo ng babaeng iniibig. Matapos ang ilang taon ay muling pagtatagpuin ang dalawa ng pagkakataon at sisiguraduhin nitong hindi na mauulit ang nangyari noon. 'Di man sila magkatulad sa ibang aspekto partikular na sa kanilang pamumuhay ay natagpuan naman nila ang ligayang sa isa't isa lamang mahahanap. Ngunit nagsisimula pa nga lamang ang lahat ay marami nang humahadlang sa kanila. Dahil sa mga pangyayari, dalawa lamang ang kanilang mapagpipilian. Ang konsintihin sila o ipaglalaban ang nararamdaman ng bawat isa.