Muling magbabalik sa pangatlong pagkakataon ang librong inyong tinangkilik at minahal hindi lang sa una kundi ganun rin sa pangalawa. Ang ikatlong aklat na may bagong mukha na magdadala sa inyo ng limang kwento na mas pinaganda at ginawang mas nakakatakot. Isang binatang nagngangalang Ellie na may kakayahang makakita ng mga hindi nakikita ng mga hubad na mga mata ng isang pangkaraniwang tao na siyang magdadala sa atin sa mundo ng kababalaghan at katatakutan. Biyaya o sumpa? Halina't pasukin ang daigdig ng misteryo sa mas pinalawak at mas pinarami na siyang mapaglilibanagn sa tuwing bakanteng oras ninyo. Huwag niyo lang susubukang basahin ito nang mag-isa kapag hating-gabi na! #Wattys2015