Si Winona, isang matapang na babae-- walang sinasanto, walang inuurungan, at handang lumaban ng patayan para sa mga taong mahal niya at sa bansang kanyang pinagsisilbihan. Ngunit para sa sarili, hindi niya magawang lumaban. Minsan na siyang nagparaya sa ngalan ng pag-ibig. At ito ang pinakamasakit na desisyong nagawa niya dahil hindi lamang siya nawalan ng taong minamahal, nawalan din siya ng kaibigang nasasandalan sa bawat problema. Sa kagustuhan niyang makalimot, natagpuan niya ang sarili sa bisig ng isang binata na siyang nagparanas sa kanya ng pag-ibig na hindi pa niya naramdaman kanino man. Sa pagkakataong ito. . . maging matapang na kaya siya sa pag-ibig? © TalithaKum all rights reserved 2016
33 parts