Chapter 25

11.6K 205 12
                                    

Chapter 25
It hurts

Malakas akong napabuntog hininga at sinara ang laptop ko. It's been two days since that day happen at sa loob ng dalawang araw hindi pa rin kami nag uusap ni Venom. Paano kami mag-uusap kung wala naman s'ya sa bahay. Hindi na ito umuwi simula nung lumabas ito at hindi ko na rin s'ya nakita. Hindi ko mapigilan minsan na mapaiyak at masaktan dahil ang dali n'ya lang paniwalaan ang mga nakikita n'ya hindi n'ya man lang ako pinakinggan.

Gumawa s'ya ng conclusion without knowing the introduction. Wala ba s'yang tiwala saakin kaya ganun nalang s'ya kung magsalita. Ang sakit subrang sakit isipin na ang taong mahal mo ay walang tiwala sayo, sabi n'ya mahal n'ya ako kaya dapat pagkatiwalaan n'ya ako. Ang dali n'yang maniwala, ang dali n'yang maniwala at sa bruhang Stella pa talaga s'ya naniwala. S'ya na mismo ang nagsabi na sinungaling si Stella pero ito s'ya naniwala at hindi nagpakita.

Agad kung pinahid ang luhang umalpas sa mata ko. Palagi ko s'yang iniintay sa gabi kung uuwi ba s'ya dahil sana mag usap kami pero walang Venom na dumating. Pinuntahan ko rin ito sa kumpanya n'ya pero wala daw ito roon, dalawang araw na rin itong hindi pumasok. Hindi ko alam kung saan s'ya hahanapin. Hindi na ako nag-abalang mag tanong kay Liam dahil alam ko namang hindi n'ya ako sasagutin. Wala akong aasahan doon.

Nadako ang tingin ko sa pinto ng may kumatok, bumukas ito at niluwa nito si Vincent na naka ngiti saakin.

"Ginagawa mo girl, tara labas tayo" masiglang saad ni Vincent pero umiling lang ako sa pag-aya n'ya.

"Ano mag kukulong ka dito sa office mo" nakapamiywang na ito sa harap ko kaya natatawa ako sa itsura n'ya, naka taas pa ang isang kilay nito.

"Madami pa akong gagawin bakla, kaya next time nalang" pag tangi ko, ang totoo wala talaga akong gana gusto ko nalang magkulong rito sa office kaysa lumabas.

"Hindi pwede girl dapat kasama ka, kasama rin sila Honey at si buntis"

"Isasama n'yo pa talaga si Ruby alam mo namang buntis yun, madali lang yun mapagod" nakadimangot kung saad.

"Ay girl hindi mo lang alam s'ya pa ang nagyaya gumala, nako kahit buntis ang isang yun pala gala parin" natawa naman ako dahil doon, kahit kailan itong si Ruby ang gala masyado.

"Oo na hintayin mo na ako sa labas" pagsuko ko dahil alam ko namang hindi ako titigilan nito haggat hindi ako sumama. Lumapit ito saakin at niyakap ako, napangiti naman ako dahil doon.

"Stay strong girl nandito lang kami, okay" tumango tango naman ako sa sinabi n'ya. Alam nila ang nangyari, sinabi ko kasi, we promise to each other that no more secrets. Masaya ako dahil nandito sila para pagaanin ang loob ko.

Nang makalabas na si Vincent ay tumayo na ako para pumunta sa comfort room, pero agad akong napahawak sa edge ng table ng biglang sumakit ang ulo ko at parang nahihilo ako. Pinakalma ko ang sarili ko at huminga ng malalim.

Napahawak ako sa tyan ko ng feeling ko ay parang bumabaliktad ito, tumakbo ako papunta sa comfort room at nagtungo sa lababo at doon sumuka ng sumuka.  Halos maubusan ako ng lakas dahil sa pagsuka ko ng paulit ulit. Binuksan ko ang gripo at naghugas. Napatingin ako sa salamin at napatitig sa sarili ko. Matamlay ang mata ko at namumutla pa ako. Napansin ko rin ang bahagyang pag payat ko.

What's happening to me?

Wala naman akong kinain na maging dahilan ng pagsuka ko, minsan rin ay wala akong gana kumain pero minsan naman parang naglilihi ako at gusto ko talagang kumain ng marami.

Napaayos ako ng tayo at napahawak sa tyan ko. Hindi pa ako dinadatnan, simula noong unang gabi namin ni Venom. Hindi kaya---No I shouldn't jump into conclusion without evidence. Inayos ko ang sarili ko bago lumabas ng office.

I don't know what to feel pero ang lakas ng kutob ko na meron na, pero dapat ko paring kumpirmahin. Ano kayang magiging reaksyon ni Venom kung sakaling totoo? Pero hindi ko pa s'ya nakikita. Kung meron man hindi ko muna sasabihin sa kanya. Aayusin muna namin to. I should wait for the right time.

Pinahid ko ang luhang umalpas sa mata ko at nagpatuloy sa paglalakad. Confirm I'm pregnant for one mouth and two weeks. Hindi ako matahimik kanina kaya bumili ako ng pregnancy test at positive may dalawang linya, hindi pa ako nakuntinto at nagpacheck up talaga ako sa doctor. Masaya ako dahil magiging ina na ako pero at the same time malungkot dahil hindi kami ayos ng ama ng dinadala ko.

Hindi na rin ako sumama sa gala nila kanina, nagdahilan nalang ako na may importante akong lakad. Pero hindi nakaligtas saakin ang titig ni Ruby kanina, naka kunot ang nuo nito habang tinitignan n'ya ako. Alam kung may hinala s'ya dahil buntis rin ito at naranasan n'ya ang naranasan ko kanina lang.

Balak kung pumunta sa bahay nila bukas baka sakaling alam nila kung nasaan si Venom, hindi din kasi ito sumasagot sa mga tawang ko.

Sa ngayon ay papunta ako sa isang italian restaurant para kitain si Ian, sa subrang pre occupied ng isip ko kanina malapit kung makaligtaan na nakiusap pala si Ian saakin noong isang araw na kung pwede ba ako ang gumawa ng cake para sa birthday ng Mommy n'ya, syempre hindi na ako humindi, customer eh. Kagagaling ko lang sa hospital at malapit lang naman itong restaurant sa hospital kaya nilakad ko nalang.

Nang makarating ako at tinulak ko ang pinto at pumasok, nilibot ko ang tingin sa paligid at halos takasan ako ng dugo ng makita ko si Venom---together with Stella.

Is this the reason why his not around for two days, dahil ba kasama n'ya si Stella at mukhang date pa nila ito. Pinigilan ko ang luha ko sa pagpatak.

Ang sakit shit akala ko may aayusin pa kami ni Venom, yun pala sa iba na inaayos. I thought he love's me, what's this? Nakita ko kung paano hawakan ni Stella ang kamay ni Venom I was expecting na alisin ito ni Venom pero hindi nanatili lang ito. May sinasabi si Stella kay Venom at naiiyak pa ang bruha habang naka ngiti.

Ano nagkakamabutihan na ba sila? Hayop akala ko ako ang mahal pisti akala ko lang pala. Ang sakit parang pinipiga ang puso ko sa sakit na nadarama ko ngayon langya. Is Venom just playing with me, is he playing with my feelings? Gago pala s'ya kung ganun nga.

Napaayos ako ng tayo ng makita kung nadako ang tingin ni Stella sa akin. Nakita ko ba ang bahagya n'yang pagkagulat, nagulat ka pa sa istadong yan bruha ka. Nakita kung lumingon din si Venom para tignan kung sino tinitignan ng bruhang mahal n'ya. Nagulat ito at napatayo sa kinauupuan nito. Bahagya pa akong napaatras.

Ang sakit pala masyado lalo nat nakita ko na ang mukha n'ya, na miss ko s'ya I admit. Pero bakit ang sakit n'yang mahalin. Hindi ba pwedeng mag mahal na hindi nasasakyan?

Napahigpit ang hawak ko sa bag ko ng hinila s'ya ni Stella at akmang hahalikan na s'ya ni Stella ay may kamay na tumabom sa mata ko. Doon ko lang naramdaman ang mga luha ko. Hindi ko na mapigilan isa isa na itong nagsilaglagan. Naramdaman ko naman ako taong nasa likod ko habang ang kamay n'ya ay nakatabom parin sa mata ko.

Ang sakit, nadurog ang puso ko dahil doon. Dahan dahan humakbang ang taong nasalikod ko paalis habang hindi n'ya parin inaalis ang kamay n'ya hanggang naka labas na kami. Nang nakalayo na kami ay doon n'ya lang tinanggal. Napahikbi ako, parang ayaw na tumigil ng mga luha.

"It's okay just cry I'm right here"

Thank you Ian, for the short period of time I found a friend like you.



His Scared Wife

***

His Scared WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon