Chapter 22
Perfect MomentSinama kami ng dalawang matanda sa bahay nila at syempre dahil sa pinanganak akong mabait tinulungan ko sila sa mga dala nila, ang bibigat kaya nun. Yung dala naman ng matandang lalaki ay pinabitbit ko kay Venom kahit labag sa loob n'ya ay kinuha n'ya parin. Palibhasa sanay na may maid. Kwento rin ng ginang ay galing daw sila sa palengke doon sa bayan, at habang pauwi ay bumunos daw any malakas na ulan at nakita nila kami doon sa may malaking kahoy, doon kasi ang shortcut pa punta sa bahay nila.
"Dito n'yo nalang ilapag, ining, iho" saad ng ginang, kaya nilagay namin sa may kaliitang mesa.
Hindi ganun ka laki ang bahay nila, yari lamang sa kawayan at kahoy. Kailangan pang yumuko ni Venom para makapasok sa pintuan na gawa rin sa kawayan.
"Salamat sa pagtulong, pasinsya na kayo sa bahay namin at ito lang ang kaya namin" saad ng lalaking matanda. Ngumiti naman ako sa kanya para sabihing okay lang.
"Ano ho ba kayo, okay lang po, kami ang dapat magpasalamat dahil pinatuloy n'yo po kami sa bahay n'yo" ngumiti naman saakin ang ginang.
"Maupo muna kayo, at akoy kukuha ng damit pamalit ninyo, basang basa kasi kayo sa ulan"
Tumango kami ni Venom sa ginang at naupo sa yari sa kawayan. Habang nag iintay ay nabaling ang tingin ko kay Venom na hindi mapakali at panay ang lingon lingon sa paligid.
"Problema mo?" mahinang tanong ko rito. Tumingin naman ito saakin.
"I'm not comfortable" pabulong n'yang saad, napabuntog hininga naman ako. I know his not comfortable. Never n'yang naranasan ito, pinanganak kasi na mayaman kaya hindi sanay sa hirap pero kahit papaano naiintindihan ko naman. Ang saakin naman ay okay lang sanay na ako sa ganitong buhay noon pa man.
"Ngayon lang naman to Venom, kaya stay still, pasalamat nalang tayo ay may nagpatuloy saatin" bulong ko sa kanya, kahit ayaw n'ya ay tumango tango nalang ito.
"Ining, iho ito suotin n'yo muna ito, hindi ko pa nagagamit ang damit na ito ining" inabot saakin ng ginang ang isang simpleng bistida at kasabay na doon ang panloob na damit, nagpasalamat naman ako at ngumiti.
"Ito iho, sa anak ko yan, baka kasya sayo" ani nito at inabot kay Venom ang t-shirt at isang simpleng shorts.
"Hali kayo kumain muna tayo" inimbitahan kami nila kumain ng hapunan kay pinaunlakan na nakin, choosey pa kami isa gutom na ako.
Tagkatapos naming mag bihis ay nag salo salo kami sa hapag. Bangus na isda at gulay ang ulam namin. Ang hina nga kumain ni Venom paniguradong hindi n'ya type. Habang kumakain ay nag kwekwentuhan din kami. Nasa bayan pa pala ang anak n'yang lalaki at mahuli sa pag uwi, nag aaral pa daw ito sa college at dumalaw lang daw dito sa kanila. Tinanong n'ya pa kami kung may anak na ba daw kami kaya halos mabilaukan ako doon.
Ito namang si Venom tuwang tuwa habang sinasabi ni Ginang Glora na dapat magkaanak na daw kami dahil sayang ang lahi. Napailing nalang ako doon.
"Dito muna kayo sa kwarto ng anak ko matulog tutal wala pa naman s'ya" usal ni Ginoong Juan.
"Salamat po" ngumiti ito saamin at nagpaalam na para matulog na rin.
Pumasok ako sa kwarto at nilibot ang tingin hindi s'ya kagun ka laki pero okay na para saamin. Umupo ako sa kama at tinignan si Venom.
"Anong ginagawa mo jan, halika na" aya ko rito ng nanatili lang ito sa pinto at parang ang lalim ng iniisip.
"Maybe Ginang Glora is right" ani nito at pumasok na sabay sara ng pinto. Napakunot naman ang nuo ko sa sinabi n'ya?
"Right? Saan?" tanong ko rito at tumayo para ayusin ang unan at kumot na gagamitin namin. Habang nag aayos ay napapitlag ako ng yakapin ako nito sa likuran, nilagay n'ya ang baba n'ya sa balikat ko at hinigpitan ang yakap.
![](https://img.wattpad.com/cover/225757729-288-k336909.jpg)
BINABASA MO ANG
His Scared Wife
Fiksi Umum[Completed] They said being married to someone is one of the most beautiful event happen to your life but for Monday that is the worse thing happen in her life being married to Venom Lennox the ruthless, cold hearted person billionaire. They don't f...