Chapter 8

14.8K 267 17
                                    

Chapter 8
First Move

Napahawak ako sa isang kotse dito sa parking lot at napahawak sa dibdib ko. Mabilis pa rin ang tibok nito nanginginig din ang mga tuhod ko sa kaba.

Bakit n'ya bato ginagawa? Diba ito naman ang gusto n'ya ang mawala ako sa paningin n'ya, ang mawala ako sa buhay n'ya. Sinasaktan n'ya ako at inaakusahan noon at halos ayaw n'ya makita ang mukha ko pero bakit ngayon gusto n'ya ulit akong bumalik. Is he crazy? Ano bang pinag-iisip ng lalaking yun?

Nanlumo naman ako ng maalala ko ang sinabi n'ya kanina, hindi kasi divorce? Hindi n'ya pinirmahan? But why, iyon ang ninanais n'ya pero binasura n'ya lang. All this time akala ko wala na talaga kami, na wala na talaga kaming koneksyon yun pala akala lang lahat.

Nalala ko bigla si Venus, mula noong naka labas ako ng Pilipinas wala na s'yang nabanggit about sa annulment papers, mas mabuting kausapin ko s'ya mamaya. Ayoko kung bumalik kay Venom, baka saktan n'ya ako at ulitin ang mga ginawa n'ya noon.

Ano bang balak ng Venom na yun? Wala naman s'yang nakukuha sa akin at lalong wala akong utang or kinuha sa kanya na kailangan kung bayaran. Paano kung pinag tri-tripan lang n'ya ako, edi walang hiya s'ya hindi magandang trip iyon. Siguro para sa akin trip to underworld iyon.

"M-monday" agad akong napalingon at nakita ko si Vincent.

Tumayo ako at naiiyak na lumapit sa kanya. Sabog ang labi nito at may sugat rin ito sa kilay n'ya.

"Vincent, are you okay?" saad ko at hinawakan ang mukha n'ya. Mapait naman itong ngumiti sa akin.

"Grabe ang sakit sumuntok ni Papa Venom bakla, parang nawala lahat ng skin care na nilagay ko" napahampas ako sa dibdib n'ya dahil sa kanyang sinabi.

"Ewan ko sayo nasaktan ka na nga iyon parin iniisip mo" singhal ko rito peto tumawa lang ito saakin.

"Binibiro lang kita, okay lang ako don't worry bakla" malumanay n'yang saad kaya nakahinga ako ng maluwag.

"Bakit ka naman kasi sinuntok ni so hot Venom Lennox" napangiwi ako sa sinabi ni Honey.

Nasaktan na nga kaibigan namin nagawa pang purihin ang lalaking iyon, well hot nga naman s'ya hindi na maitatanggi iyon---wait why am I thinking that his hot, napailing naman ako.

"Hindi ko rin alam gurl iwan ko ba jan sa asawa ni Monday, ang hot na ang lakas pang sumuntok" Vincent said and he grinned on me. Napairap naman ako sa sinabi ni Vincent.

I told him already, noong pauwi na kami rito sa cafe sinabi kong hindi pala pinirmahan ni Venom ang papers.

"Hoy Vincent correction ex-husband" saad ni Honey at pinagpatuloy ang paggagamot sa sugat ni Vincent. Wala rin pala dito si Ruby, she's in Paris together with Liam, honeymoon kasi nila, edi naway lahat.

"Hindi pinirmahan ni Papa Venom ang annulment papers gurl, so basically mag asawa parin sila" gulat namang humarap si Honey saakin

"What? But why? Diba iyon naman ang gusto n'ya, ang mag divorce kayo?" agad akong napailing at napahilot ng sintido.

"I don't know"

"What if mahal ka n'ya bakla at nagaisilosos s'ya kanina tapos na realize n'ya yun noong umalis kana" agad akong napatingin kau Vincent.

A Venom Lennox would never love me, actually he even hated me to death that's why he hurt me. At may mahal na s'yang iba and it's Stella.

"No it's imposible, he already have Stella, he love Stella that's why he hurt me, kasi akala n'ya sinaktan ko ang mahal n'ya kaya galit na galit s'ya saakin"

"We can't judge someone without knowing their own point of view, I'm not saying na panig ako sa kanya, I'm just saying a fact, do you understand me?"

Napatango naman ako sa sinabi ni Vincent, yeah his right, pero kilala ko si Venom wala sa bokabularyo n'ya ang mahalin ang isang tulad ko.

"Ah basta girl, it doesn't change the fact na sinaktan ka parin n'ya, at ekis s'ya saakin" umirap pa si Honey at pinagpatuloy ang ginagawa.

"Excuse me" saad ko at umalis sa inuupuan ko at pumasok sa loob ng office.

Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Venus after two rings ay sumagot na ito.

"Venus" I said, tumahimik ang kabilang linya at ilang minuto lang ay narinig ko ang pagbuntog hinga n'ya.

"I'm sorry Monday, nalaman ko ang ginawa ni Kuya kanina" saad n'ya napa upo naman ako sa swivel chair at hinilot ang sintido.

"Hindi kami divorce and why is that?" mahinang sabi ko sa kanya, bumuntug hininga ulit ito.

"Listen up Monday I didn't know na hindi pala natuloy ang annulment, nalaman ko lang din kamakaylan, binantaan daw ni Kuya ang attorney na kinuha ko para asikasuhin ang annulment papers n'yo, kaya pala wala akong na tanggap na response sa kanya matagal na. I'm sorry Monday pero sinabihan ko na si Kuya na tigilan kana, but his persistent to have you again"

Nanghina ako sa sinabi n'ya, the hell Venom ano bang balak mo?

"And he said he'll have you in any ways even if blackmailing you"

Tumayo ako at nagpunta sa kusina para mag timpla ng kape. It's been four days mula noong nangyari sa grocery store at yung sinabi ni Venus. Sa apat na araw hindi ako mapakali at hindi ko mapigilang kabahan, paano kung totoo ang sinasabi ni Venus. Agad akong napailing sa mga iniisip ko.

Baka trip lang talaga yun ni Venom, naging tahimik naman ang ako sa loob ng apat na araw, walang nanggugulo sa buhay ko kaya siguro hindi s'ya seryoso sa mga sinasabi n'ya. Magaling na din ang sugat ni Vincent, ewan ko ba kay Venom at bakit s'ya nanununtok, wala namang ginagawa yung tao eh.

Pero kahit tahimik ako sa apat na araw hindi ko mapigilang kabahan, feeling ko kasi parang may hindi magandang mangyari. Masyado na akong negative ever since umuwi ako rito, napapa-paranoid na ako.

Napakunot ang nuo ko ng marinig kung may nag door bell, I'm not expecting a guest today, sarado ang cafe shop ngayon dahil sunday and by sunday it's our rest day.

Pagbukas ko ng pinto ay nagtaka pa ako, bakit n'ya dala dala ang mga bag n'ya.

"Vincent anong chika mo, bakit dala dala mo bag mo?" tanong ko rito, naiiyak naman itong niyakap ako.

"Bakla pinalayas ako sa bahay ko"

"Ano bakit? Bahay mo yun binili mo yun bakit ka pinalayas abir?" agad s'yang bumitaw sa akin at hinigpitan ang hawak sa bag n'ya.

"Sa loob tayo Monday" tumango ako sa kanya at tinulungan ko s'yang ipasok ang mga gamit n'ya at naupo kami sa sofa dito sa sala.

"Kaninang umaga may pumunta sa bahay ko, sinasabing umalis na daw ako dahil binili na daw ang lupa, syempre nagulat ako dahil binili ko na ang lupa't bahay tapos papaalisin ako, pero pumasok ang mga ito sa bahay at nilalabas ang mga gamit ko" mahabang kwento nito kaya hinagod ko ang likod n'ya.

Bakit feeling ko may kinalaman si Venom dito, wala naman siguro, bakit naman n'ya gagawin yun kung ganun nga.

Alam ko ding pinaghirapan ni Vincent ang pambili ng bahay, ang totoo mayaman naman talaga sila Vincent kaso naglayas ito sa kanila three years ago, dahil ipapakasal daw s'ya sa isang babaeng hindi n'ya naman type at 'babae rin daw s'ya' note the sarcasm.

"Hindi ko alam ang gagawin ko, wala din naman akong ibang matutulugan, ayaw kung umuwi sa amin or kunuha man lang ng pera sa bangko" ani nito

Madami namam s'yang pera kung tutuusin kaya n'yang bumili ng isang condo unit pera ayaw n'yang kumuha ng pera baka ma trace daw s'ya ng pamilya n'ya at pauwiin.

"You can stay here you know" I said and smile to him.

"Salamat Monday ha" saad nito kaya nginitian ko lang s'ya.

"Sinong bumili ng lupa mo?" tanong ko, seryoso ang mukha ni Vincent habang naka tingin sa akin kaya kinabahan ako.

Tama kaya ang hinala ko?

"It's Venom Lennox"





His Scared Wife

***

His Scared WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon