Chapter 18

12.6K 234 6
                                    

Chapter 18
Relationsh*t

"Dito nalang po ako manong"

Agad huminto ang taxi'ng sinasakyan ko, nagbayad ako sa driver at agad ng bumaba na. Napabuntog hininga ako at agad pinahid ang luhang umalpas sa mga mata ko. Gusto ko nang tumigil sa pag iyak pero taksil talaga ang mga luha ko at patuloy sa pagpatak. Umiling iling ako at pumasok na sa loob ng gate.

Hindi ako umuwi sa bahay namin ni Venom--I mean bahay ni Venom, ayaw ko muna s'yang makita, at ewan ko ba malakas lang ang kutob ko na baka inuwi n'ya si Stella, gusto kong magwala sa isipang iyon pero ano namang karapatan ko diba, bahay n'ya iyon at ako palamuti lang sa tabi tabi.

Mas maganda ditong manatili lalo na at broken daw kuno ako, isa itong hotel na nasa tuktok ng syudad. Kahit noon pa man ay palagi na akong pumunta dito, nakakarelax kasi ang ambiance ng hotel plus nasa mataas pa s'ya kita mo ang mga ilaw sa syudad.

"Room 158 Ma'am enjoy your stay" saad ng naka assign sa front desk at ngumiti, tinanggap ko ang card at ngumiti din sa kanya.

"Thank you" instead na dumiretso sa kwarto kung saan ako naka check in ay dumiretso ako sa garden nila.

I love this place so much, pumunta ako sa may dulo at umupo sa may damuhan. I smile when I witnessed the beauty of the city lalo'nat gabi ngayon. Napayakap ako sa sarili ko ng lumamig ang simoy ng hangin.

Siguro nga pakitang tao lang lahat ng pinakita sa akin ni Venom, yung kunwari may care s'ya kunwari galit s'ya pag may iba akong kasama yun lang pala trip lang ako kasi wala pa sa tabi n'ya si Stella. Grabe ang tanga ko bakit hindi ko yun naisip, pampalipas oras lang pala ako.

Pinahid ko ang luhang umalpas sa mata ko, pinilit kung wag nang umiyak pero shit hindi ko kaya.

"What a beautiful view"

Napaangat ang tingin ko ng may nagsalita sa tabi ko. Isang lalaking alagad yata ng greek god sa kagwapohan, nakabulsa ang kamay nito habang naka tingin sa ito sa baba. Bakit parang pamilyar ang lalaking to, saan ko ba s'ya nakita?.

Nababa ito ng tingin sa akin at ngumiti ito.

"Hi there we meet again" masiglang bati n'ya, ako ba yung kausap n'ya? Saakin naman naka tingin siguro ako nga. Napalinga linga pa ako sa paligid kung may ibang tao ba pero wala naman, ako nga.

"Sorry do I know you?" tanong ko rito, sumimangot ito at naupo sa tabi ko, how cute.

"Hindi mo na naman ako naalala" naka simangot paring saad n'ya.

"The man from the party, and the man who was beat by Venom Lennox"

Napaisip naman ako sa sinabi n'ya, halos nanlaki ang mata ko ng maalala ko s'ya yeah I do remember him, his Ian, s'ya iyong ka business partner nila Tita at yung binugbog ni Venom malapit sa shop ko.

"Wait are you okay" agad kong tanong at inis-scan ang mukha n'ya, hindi ko na s'ya nakita after noong nabogbog s'ya.

"Thank goodness you remember me but yeah I'm fine, makapal kasi ang mukha ko kaya hindi ako tatablan ng suntok" tumawa pa ito sa sinabi n'ya, napailing iling nalang ako at binalik ang tingin sa baba.

"So you okay? I saw you crying" napalingon ulit ako sa kanya dahil sa tinanong n'ya he saw me, I was awful.

"Hindi ako chismoso ha nakita ko lang talaga" dipensa n'ya kaya napatawa ako ng mahina. I see madaldal s'ya, far different from Venom.

"I'm okay, and I'm not crying napuwing lang ako" awkward akong tumawa at inalis ang gingin sa kanya. Natahimik sandali ang paligid at nagsalita ulit s'ya.

His Scared WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon