Chapter 2

18.2K 389 29
                                    

Chapter 2
It's Him

As soon as nakalabas na kami ng airport ni Venus we parted ways, inalok n'ya pa nga akong sumama sa kanya sa bahay nila pero tinanggihan ko baka nandon s'ya at magkita pa kami, may sariling bahay naman s'ya pero dumadalaw dalaw s'ya sa pamilya n'ya.

Sinabi ko na haharapin ko ang mga kinatatakutan ko pero wag naman agad agad hindi pa nga ako ready eh. Pumara ako ng taxi at nagpahatid sa condo ko doon ako mamamalagi since wala naman akong sariling bahay. Yung condo'ng iyon ay regalo pa ng magulang ni Venus sa akin noong pagkagraduate ko ng college.

Hindi ko sana tatanggapin pero sinabi nilang hindi nila ako papansinin pag hindi ko tinanggap kaya wala akong nagawa at tinanggap na. Pinangako ko kasi sa sarili ko na as soon as I graduated from college hindi na ako aasa sa kanila at hindi na tatanggap ng kahit ano galing sa kanila.

Noong nawala ang mga magulang ko sila na ang sumagot sa lahat ng expenses ko kahit na sinabi kong kaya ko. Sinabi kung mag tratrabaho nalang ako para mabuhay ako at matupad lahat ng pangarap ko, pero they insisted na sila na daw ang bahala sa lahat.

Malaki rin ang natulong nila noong kahit buhay pa parents ko, ang mama ko na kasi ang mayordoma ng bahay nila at ang papa ko naman ang family driver nila, matagal nang nagtratrabaho ang pamilya ko sa kanila kaya noong humingi sila sa akin ng pabor after I graduate hindi ako makatangi kahit na sakit ang dulot noon sa akin.

"Ma'am nandito na po tayo" saad ng driver kaya nabalik ako sa realidad.

"Ay salamat kuya ito na po ang bayad" saad ko at inabot sa kanya ang bayad at lumabas, tinulungan n'ya pa ako sa malita ko kaya nag pasalamat ako.

Papasok na sana ako sa loob ng building ng mapahinto ako at lumingon lingon sa paligid. Bakit feeling ko may naka masid saakin. Actually kanina pa to ever since lumapag kami dito sa pilipinas naramdaman ko na, na may naka tingin sa akin. Napailing naman ako sa mga iniisip ko. Paranoid lang siguro ako or dahil lang sa pagod to.

"Bakla masaya akong nandito kana" pangbungad na saad ni Vincent saakin at niyakap ako ng mahigpit, kaya napatawa ako, ang clingy talaga ng baklang to.

Hindi pa nga ako nakakapasok sa coffee shop ko sumalubong na s'ya sa akin, nag message kasi ako sa kanilang tatlo ni Ruby na dumating na ako, kaya naisipan namin na dito nalang sa shop mag chika, napatawa pa ako sa sinabi nilang mag chi-chika kami.

May isa pa akong kailangan her name is Honey at isa s'yang weeding planer at tinutulungan din s'ya ni Vincent.

"I miss you bakla" saad ko at niyakap rin s'ya, pumasok kami sa loob at matinis na boses ang bumungad sa akin, Honey talaga kahit kailan.

"Oh my god gracious Monday nandito ka na nga I miss you so so much" sigaw ni Honey at dinampa ako ng yakap, halos ma out balance pa ako.

"Grabe ka Honey akala mo naman hindi tayo nag video call noong nakaraang araw" saad ni Vincent at inirapan si Honey kaya umirap rin si Honey sa kanya.

Napatawa ako sa kanilang dalawa ever since ganito na talaga ang dalawang to minsan nag tatarayan minsan naman magkasabay sa kalokohan.

"Siguro kung hindi ako ikakasal hindi ka talaga uuwi" nabaling ang tingin ko sa likuran ni Honey at nakita ko doon si Ruby na maluha luha pa na makita ako. Ang emotional naman buntis ba to?

Nakangiti s'yang lumapit sa amin at niyakap ako at umiyak na talaga s'ya kaya tinawanan ng dalawa.

"Sorry kung ngayon lang ako, I miss you guys" saad ko at nagyakapan kami, napatawa ulit ako sa ka dramahan namin dito.

I treasure my friends very much simula pa noong high school days nand'yan na sila para sa akin.

"Ang emotional mo girl buntis kaba?" natatawang tanong ko kay Ruby at natigilan ito pati narin ang dalawa at lahat kami naka tingin kay Ruby.

Nagkamot ng batok si Ruby at naiilang na tumingin saamin at tumango kaya nanlaki ang mata namin sa sinabi nya, so totoo pala, joke lang yung tanong ko.

"Hala nag jugjugan na pala kayo ni papa Liam" maaring saad ni Vincent kaya hinampas s'ya sa balikat ni Honey.

"Gaga ka talaga nagtanong ka pa natural nag jugjugan na sila, alangan namang aksidenting na shoot sa ring diba" saad ni Honey at nagtawanan ang dalawa kaya napatampal ako ng nuo ko.

My god ang hahalay talaga ng dalawang to kahit anong lumalabas sa bibig. Pumunta kami sa may dulong bahagi at doon piniling umupo.

"Kahapon ko lang din nalaman na buntis pala ako, at siguro wedding gift ko ito kay Liam" naka ngiting saad nito.

"I'm happy for you Ruby, akala ko talaga fling lang kayo" saad ko at tumawa kaya napatawa rin sila.

"Hay nako naway lahat buntis ako kaya" saad ni Vincent at parang nag-iisip, napatawa naman ako dahil doon.

"Hindi ka mabubuntis bakla, makakabuntis ka lang si Honey oh buntisin mo" saad ko at this time kami naman ni Ruby ang tumawa, silang dalawa naman ay masama lang ang tingin saakin.

Nagpatuloy kami sa pag-uusap at ng dumating ang alas kwatro ng hapon ay umalis na sila, pinasama ko na si Vincent sa kanila dahil gusto n'ya ding tulungan si Honey sa pag o-organize ng wedding ni Ruby, kaya ako muna dito sa shop ko. At ako din ang gagawa ng weeding cake nila, kaya it should be special.

Nakilala ko narin ang ibang crew dito may isang cashier, dalawang waiter at isang baker, dala lang ang lalaki yung waiter at baker. Ngayon ay dalawa na kami as a baker at sa akin din inasa ni Ruby ang wedding cake nila. Yung business naman sa New York ay nakatalaga doon ang isang kaibigan ni Venus para mag manage.

Ako muna ngayon ang nasa counter dahil inutusan ko muna si Jane ang cashier dito na mag deposit ng pera, habang nag-aayos ng kagamitan dito sa narinig kung bumukas ang pinto pero hindi ko iyon binalingan ng tingin.

Naamoy ko naman ang pabango nito panlalaking pabango na subrang pamilyar sa akin kaya napakunot ang nuo ko.

"What is your order si--" hindi ko natapos ang sasabihin ko ng masilayan ko kung sino ang taong nasa harap ko ngayon, kaya pala ang pamilyar ng pabango.

Naramdaman ko ang panginginig ng kamay at tuhod ko sa takot, akala ko kaya ko na s'yang harapin hindi pa pala, natatakot pa rin ako na baka saktan n'ya ulit ako but no he can't hurt me wala na kaming koneksyon kaya he don't have a rights to hurt me, and I will never allow him to hurt me again.

"What is your order sir" pinilit kung maging normal ang boses ko kahit na nanginginig na ako.

Nagsalubong pa ang makapal nitong kilay dahil sa sinabi ko, hindi parin s'ya nagbabago kung gwapo s'ya noon ay mas naging gwapo s'ya ngayon at naging matured rin. From his thick eyebrows beautiful eyelashes down to his pointed nose down to his kissable lips and perfect jawline.

Napailing ako sa mga naiisip ko nagawa ko pa s'yang purihin kahit na nangangatog na ako rito.

"Sir what is your--" hindi ko natapos ang sasabihin ko at natigilan sa sinabi n'ya.

"Can I have Mrs. Monday Relish Lennox as my order"




His Scared Wife

***

His Scared WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon