Chapter 17

182 5 0
                                    

Chapter 17

~Coleen's POV

"Gabi na! Bakit hindi pa bumabalik si Taylor, sabi niya before the night ends." Taka kong sabi sa sarili ko. Nag-aalala tuloy ako ng wala sa oras baka kung ano na nangyari doon sa tao pero sana wala naman, guide him God. Mag-aalas dose na rin kasi at wala pa siya pero alam kong may isang salita si Taylor kaya nga pinagtakatiwalaan ko siya kay Jade kaya no worries pero ngayon, ewan ko na lang.

            Napahikab na naman ako. Inaantok na talaga ako pero kailangan kong hintayin si Taylor na makabalik. Hindi rin naman ako uuwi dahil delikado na sa daan—at 'yon nga ang inaalala k okay Taylor. Magpapalipas ako ng gabi at babalik sa bahay pata ayusin ang ibang gamit at babalik din naman kaagad dito.

            Like what I used to do.

            Pipikit na sana ang mga mata ko para matulog doon naman bumukas ang pinto at napatayo kaagad ako sa kinahihigaan ko at nilapitan si Taylor. Lalayo pa sana ako sa kanya dahil biglang may umalingasaw na amoy basura and sudden, siya pala 'yon.

            "Ano ba nangyari sayo? Amoy... amoy basura ka."

            Napailing na lamang ito sa akin, "I try to find Jade."

            Halos manlaki naman ang mata ko sa sinabi niya, "What!? Taylor, nababaliw ka na ba?"

            Hindi niya ako tiningnan kundi nakayuko lamang siya sa akin. Bakit ba bigla akong kinabahan ng sabihin niyang hinahanap niya si Jade.

            "Nahanap mo ba?" tanong ko sa kanya ng medyo kumalma naman ako. "Kung hinanap mo si Jade, bakit ginabi ka saka ang amoy mo, Taylor. May nangyari ba?" pag-aalala ko sa kanya.

            Agad naman siyang umiling sa akin bilang sagot sa una kong katanungan, "No, did not find her. At may taong nanloko sa akin na alam niya daw kung nasaan si Jade but no, dinala niya ako sa Garaggon."

            Halos mapatakip naman ako ng bibig ko dahil delikado ang lugar na 'yon.

            "But I found no one. No Jade, existed there." Buntong hininga pa ni Taylor.

            "Sino ba nagdala sayo doon, Taylor? Sana naman sinigurado mo na kilala niya nga si Jade."

            "Ullyses. 'Yon daw ang pangalan niya."

            Nanliit ang mga mata ko ng banggitin ni Taylor ang pangalan ng lalaking 'yon. Muli kong pinaulit kay Taylor dahil baka mali lang ako ng pagkakarinig pero mukhang hindi ako nagkakamali, walang bara ang tenga ko at pangalan niya nga ang narinig ko. Yes, she knows Jade.

            "Taylor, hindi ka dapat sumama sa kanya. That Ullyses tried to molest Jade."

            "What?!" pagkabigla ni Taylor sa sinabi ko saka na lamang ako tumango sa kanya. "Sh*t! Why didn't I know that?" namilog ang mga kamao ni Taylor sa nalaman niya.

            Ullyses isn't a good person at all. Ewan ko ba pero noon simula naman at pagkakakilala ko sa kanya ay sobrang layo niya sa ngayong ugali niya. Kapag nagbago talaga ang isang tao, maraming nagagawa sa kapwa. Ullyses can't be trusted.

            "Anong ginawa niya sayo doon sa Garaggon?"

            "Muntik na niya akong ipabugbog pero mabuti na lang nakatago ako sa kanya at doon nga sa basurahan 'yon. I stayed there for hours at ilang oras 'yon ay nakatakas na ako sa kanila."

When She Left HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon