Chapter 14

178 6 0
                                    

Chapter 14

"Jade, 'wag kang lalabas ng bahay niyo! Papunta diyan panigurado si Alladin!" Babala sa akin ni Coleen sa kabilang linya na tila nagpapanic na rin sa nangyayari kahit ako naman ay hindi ko na mapigilan ang kabog ng dibdib ko dahil sa sobrang kaba. Sino bang hindi matatakot kapag may possessive na isang lalaki ang gustong sugurin ka.

            Nakakatakot.

            "Sige sige, Coleen. Salamat sayo." Saka ko binaba ang cellphone ko.

            Nakalock ang lahat ng pinto ng bahay even ang bintana. Sinigurado ko talagang walang makakapasok o makakalusot sa bahay. Hindi ko alam ang gagawin ko ngayon sa pagiging agresibo ni Alladin. Natatakot ako. Ayoko nang maulit ang nakaraan. Sobra na ang nakaraan na nangyari sa amin ni Ullyses na sobra kong pinagsisisihan dahil pinagkatiwalaan ko talaga siya pero ngayon na si Alladin naman ang gumagawa, parang ngayon ko lang narealize ang lahat na dapat hindi ako nagtitiwala sa lahat ng lalaki na nakapaligid sa akin.

            Hindi ko alam kung ano bang dala nila sa akin. Sabi nila, boys will care you and treated you like the last girl in the world but that's just not happen, ang layo. Sabi rin nila sa love nagsisimula ang lahat, kaya kapag natukso ka umiwas ka muna dahil hindi moa lam kung anong patibong ang dadalhin nila.

            Mabuti na lang itinigil ko ang pagkagusto ko kay Alladin noon dahil wala naman sa pokus ko ang magkaroon ng boyfriend.

            "Jade! Lumabas ka diyan!" nabato na lamang ako ng marinig ko ang pangalan ng lalaking kanina ko pa tinatakasan.

            Ano bang kailangan niya sa akin?

            "Hindi ka makakalabas diyan! You can't leave me, Jade. Akin ka lang!" sigaw nito. Narinig kong biglang kumalabog ang pinto sa baba ibigsabihin lang ay sinusubukan niyang buksan ang pinto. Hindi niya magagawang sirain ko matulak ang pinto dahil tadtad ng locks ang pintuan namin dito kaya imposible na makapasok siya pero natatakot pa rin ako.

            Nanginginig ang tuhod ko pati mga kalamnan ko. Hindi ko maipaliwanag ang pakiramdam ko. Sinubukan kong tumayo pero parang ang tamlay ng mga tuhod ko at walang gana. Sinubukan kong maglakad palapit sa bintana at unti-unting sumilip ako pero wala akong nakita sa labas at nang alisin ko ang kurtina.

            "Huli ka!" bungad sa akin ni Alladin.

            Naitulak ko siya pataboy mula sa akin at naisarado ko na nang mabuti ang bintana. Muntikan na 'yon. At nang silipin ko muli ay nandoon siya nakahalumpasay sa kanyang pinaghulugan. Mas kinabahan ako sa naging entarya ni Alladin. Bakit alam niya kung nasaan ang kwarto ko? Ibang klase siya.

            Muli namang tumawag sa cellphone ko si Coleen at agad agad ko naman itong sinagot.

            "Jade! Ano na!"

            "Coleen, nandito nga si Alladin. Ano nang gagawin ko? Coleen, natatakot ako." Mangiyak-ngiyak kong tugon kay Coleen dahil hindi ko na alam ang gagawin ko. Wala na akong ideya kung paano ko gagawin ang bagay bagay. Tinatalo na ako ng sitwasyon, gusto ko na talagang sumuko. Pero ngayon pa ba? Hindi ako magpapatalo kay Alladin.

            "Magpapatawag ako ng pulis." Agaran naman nitong tugon sa akin.

            Pero hindi ako sumang-ayon sa sinuggest niya, "'Wag muna, Coleen. Humanda ka lang sa maaaring mangyari. Tatawagan muli kita Coleen ngayon ang ginagawa niya..." muli akong sumilip sa bintana at nang makita ko si Alladin na palakad palayo at nang muli niyang balingan ang bintana ko ay agad akong napatago. "Umalis siya, Coleen." Hindi pa rin naaalis ang kaba sa dibdib ko.

When She Left HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon